Nadine Lustre, Binuking ng Dating Kaklase na Nagbebenta siya ng “Kisses na nagiging Pokemon” noong Nag-aaral siya sa Elementary

Isa nga sa pinakamasayang bahagi ng ating buhay ay ang elementary days. Sa elementarya nagsimulang mahubog ang ating pagkatao at dito rin tayo nagsimulang matuto tungkol sa mga bagay-bagay.

At bilang isang elementarya, ay tiyak na naranasan niyo rin ang maglaro ng chinese garter, piko, jackstone at iba pa. Patok rin sa buhay elementarya ang iba’t ibang klaseng laruan, tulad na lamang ng ‘kisses’. Ito nga ay isang maliit na bilog na mukhang sago o beads na mababango na kung saan ay inaalagan upang maging pokemon.




Isa nga sa may masayang karanasan sa elementarya ay ang napakagandang aktres na si Nadine Lustre. At kabilang nga sa naging libangan ni Nadine ay ang paglalaro ng “kisses”, na kung saan ay ibinibenta rin niya sa kanyang mga kaklase.

Kinagiliwan ng mga netizens si Nadine, matapos nitong ibahagi sa kanyang Instagram stories, ang screenshot ng tweets ng kanyang dating kaklase sa elementarya kung saan ay binuking siyang nagtitinda ng ‘kisses’ na nagiging pokemon.

Ayon nga sa nagngangalang “Paolo”, noong elementarya ay naging kaklase niya si Nadine at pinagbentahan siya ng kisses na ang sabi ay nagiging pokemon kapag lumaki. At binili niya ang mga ito, dahil tagahanga siya ng Pokemon. Ngunit, sa tagal ng panahon raw ng kanyang pag-aantay na maging pokemon ang mga nabiling kisses sa aktres, ay hindi ito kailanman naging pokemon.

“Nadine Lustre was my classmate in elementary. She sold me kisses, ‘yong parang sago. She told me that when those things grow, they would turn into actual Pokemon. I still bought them because I was a Pokemon fan. Nadine! Those kisses never turned into Blastoise!”

Dagdag pa ni Paolo ay nawala umano siya ng komunikasyon sa aktres. At ngayon nga, ay malabo na umano niya itong masingil sa personal.

“I’ve lost contact with her since I left our school. But she was a great friend growing up. Mas kalaro niya kaming boys. Would love to see her in person so after many years pero feeling ko malabo na iyon. At malabo ko na siya masingil doon sa kisses! Hahaha!”




Samantala, sa hiwalay na Instagram story, ay dinipensahan naman ni Nadine ang sarili at ipinaliwanag ang kanyang nalalaman patungkol sa kisses. Ayon naman kay Nadine, ay biktima rin lang siya ng maling impormasyon. Ito nga ay dahil ang ateng tindera sa Divisoria ay sinabing nagiging pokemon ito paglaki. At buong pagtitiwala namang naniwala si Nadine sa sinabi nito, kung kaya’t ito rin ang impormasyon na ibinigay niya sa kanyang mga kaklase.

Nalaman lang ni Nadine ang buong katotohanan noong nasa grade six na siya. At pabiro namang sinabi ni Nadine, na hindi lang pala siya ang nascam ng kisses na ito. Na kahit kailan pala ay hindi magiging pokemon ang malilit na beads na ito.

Kinatuwaan naman ng mga netizens ang karanasang ito ni Nadine, at ang ilan nga ay tila napa-throwback pa sa kanilang elementary days. May ilan nga na nag-alaga rin ng kisses, at nag-antay na maging pokemon ang mga ito.

Isa ka rin ba sa mga nag-alaga ng mga kisses at umasang lalaki ang mga ito upang maging isang pokemon?