Multi-Awarded Singer Jed Madela, Ipinasilip ang Kanyang Napakagandang Tahanan at Kahanga-hangang Funko Collection

Ang multi-awarded singer na si Jed Madela ay halos 15 taon nang ipinapamalas ng husay sa pag-awit sa mundo ng musika. Hindi nakapagtataka na sa loob ng mahabang panahon, ay marami na siyang naipundar na masasabing bunga ng kanyang pagsisikap. Isa na nga rito ang kanyang napakagandang dream house.




“This has been like the fruits of my hard work for the past, how many years? I’ve been in the business for more than 15 years. Ang sarap lang sa pakiramdam na may napupuntahan ‘yung pinaghirapan mo.”

At kamakailan nga, ay binuksan ng singer ang pinto ng kanyang dream house na ipasilip sa kanyang mga tagahanga. Sa isang house tour video na mapapanood sa YouTube Channel ng Star Magic, masisilayan ang ganda ng tahanan ni Jed at kanyang kahanga-hangang Funko collection.

       

Sa harap ng tahanan ni Jed makikita ang mga luntiang halaman na kung saan ay nagsilbing dekorasyon at nagdagdag ganda sa dalawang palapag niyang tahanan. Pagpasok nga sa loob ng dream house ng singer, ay masisilayan na ang ganda at kaayusan nito na kung saan ay talagang pinag-isipan ang bawat detalye at disenyo ng bahay.

Kapansin-pansin naman na kahit sa loob tahanan ay may mga makikita ring mga indoors plants. Ito ay dahil hilig ng kanyang ina ang mangolekta ng mga halaman.

Samantala, nang magsimula nang ilibot ni Jed ang kanyang mga tagahanga, ay idinetalye ni Jed ang bawat area magmula sa living room, dining area, at kitchen. Ngunit, ayon kay Jed ang isa sa paborito niyang lugar sa loob ng kanilang tahanan ay ang prayer room.




Ayon pa kay Jed, noong binili niya ang bahay ay wala umano itong altar. At dahil nga, isang solidong Katoliko ang kanyang pamilya ay nagpagawa siya ng altar upang paglagyan ni Sto. Ñino at Mama Mary. Ibinahagi naman ni Jed na sa tuwing nasa prayer room siya ay natatagpuan niya ang kapanatagan ng loob.

“Nagpagawa kami ng altar dito. This is a new part of the house. Wala ito nung binili namin ‘yung bahay. Isa sa favorite spots ko, favorite area ko sa bahay ko ang parang prayer area namin. Siguro dito ako nakakahanap ng peace and relaxation, and of course time for myself, time to meditate, time to say my prayers and talk to God.”

Samantala, dinala rin ni Jed ang kanyang mga tagahanga sa entertainment room na ginawa na niyang studio room. Ito nga ang nagsisilbing work place ng singer.

Proud namang ipinasilip ni Jed ang kanyang Funko collection na ginawan pa niya ng sariling silid. Ayon naman kay Jed, ay nagsimula siyang mangolekta ng Funko Pop noong taong 2018. Ang pangongolekta ng mga Funko Pop raw ang nagsisilbi niyang therapy.

Maliban dito, ay pinapaalala raw nito sa kanya ang kanyang kabataan na kung saan sa tuwing nakikita niya ang kanyang koleksiyon ay nabibigyan siya ng kaligayahan at nakakapag relax rin.




“Sa mga nagtatanong kailan ako nag-start mag-collect ng Funko Pop, I started in 2018. Siguro ‘yun ang pinaka-therapy ko. It reminds me of childhood. It reminds me of how simple things were when I was a kid. Nakaka-nostalgic ng feeling na when I see toys it makes me happy, it makes me relax.”

Hindi na nga mabilang sa dami ang Funko Pop na koleksyon ni Jed. Bagama’t, may mga bakante pang lugar para sa mga hindi niya nakikitang Funko Pop, sadyang napakarami parin nito. Ilan nga sa kanyang mga koleksyon ay Disney Characters, mga movie characters at ilan pang cartoon characters.

Jed Madela's house tour | Welcome Kayo Dito