Moving In Day: Dani Barretto, Ipinasilip ang kanilang Paghahanda sa Paglipat sa kanilang Bagong Bahay na Tinawag nilang ‘The Famlilio House’

Ang vlogger na si Dani Barretto ay palaging nagbibigay ng update sa kanyang Instagram at YouTube channel sa progress ng ipinapagawa nilang bahay ng kanyang asawang si Xavi Panlilio. Matapos nga ang ilang buwang pasilip sa kanilang ipinapagawang bahay, ngayon nga ay tapos na ito at handa nang lipatan upang tirhan.




At kamakailan nga, sa latest vlog ni Dani ay masaya niyang ipinasilip sa kanyang mga viewers ang loob ng kanilang tahanan na tinawag na ‘The Famlilio House’ kung saan ay nag-aayos at naghahanda na sila sa paglipat ng kanyang pamilya.

Photo credits: Dani Barretto | Youtube Channel

Sa kanyang vlog na pinamagatang ‘Moving In Day! Sneak Peek of The Famlilio House’, ipinasilip ni Dani ang unti-unting paglalagay ng dekorasyon at pagsasaayos ng mga kagamitan sa loob ng kanilang tahanan. At dahil nga, ito ang unang bahay nilang mag-asawa, ay hindi gaanong pamilyar si Dani sa pagsasaayos ng mga kagamitan kung kaya’t nag-hire siya ng mga taong makakatulong sa kanya upang mailagay sa ayos ang lahat.

Photo credits: Dani Barretto | Youtube Channel
Photo credits: Dani Barretto | Youtube Channel

Nag-hire si Dani ng mga professional cleaners na mula sa Ninjamade na siyang naglinis ng kabuuan ng bahay. Pagdating naman sa pagsasaayos ng mga kagamitan, tulong naman mula sa Neat Obsessions ang naging sulosyon ni Dani upang magmukhang organized at nasa ayos lahat ang mga kagamitan sa loob ng tahanan.

Photo credits: Dani Barretto | Youtube Channel
Photo credits: Dani Barretto | Youtube Channel




Photo credits: Dani Barretto | Youtube Channel
Photo credits: Dani Barretto | Youtube Channel

Samantala, sa paghahanda naman ng mag-asawa sa nalalapit nilang paglipat sa kanilang tahanan, ay kaagapay naman ni Dani ang kanyang mga matalik na kaibigan na sina Natasha Gerona at Miko Careon. Si Miko ay isang architect at interior designer, sa katunayan nito ay si Miko nagdisenyo ng napakagandang bahay nina Dani.

Photo credits: Dani Barretto | Youtube Channel

Sa huling bahagi ng video ay ipinakita naman ni Dani ang maayos na kinalabasan ng pantry at ng walk in closet. Ayon pa kay Dani, ay magkakaroon umano siya ng walk in closet tour sa sunod niyang vlog kaya dapat itong abangan ng kanyang mga tagahanga.

Photo credits: Dani Barretto | Youtube Channel

Hindi naman maikakaila na talagang excited na ang mag-asawang Xavi at Dani sa kanilang nalalapit na paglipat sa ‘The Famlilio House’. Hindi naman nakaligtaang magpasalamat ni Dani sa mga taong tumulong at naging bahagi ng kanilang journey sa pagpapagawa ng kanilang bahay hanggang sa pagsasaayos nito. Pinasalamatan rin ni Dani ang kanyang mga in laws na siyang nagbigay ng napakagandang bahay sa kanilang mag-asawa.

MOVING IN DAY! SNEAK PEEK OF #TheFamlilioHouse