May Nanalo na! Jinkee Pacquiao, Pinabilib ang mga Netizens sa Kanyang mga Naglalakihan at Nag-gagandahang Indoor Plants

Viral ngayon sa social media ang maybahay ni Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao, matapos nitong magbahagi ng larawan kung saan makikita ang isang napakagandang indoor plants sa likuran nito.

Patok na patok nga ngayon ang pag-aalaga ng mga indoor plants sa loob ng tahanan mapa-celebrities man o certified plantita at plantito, ay talagang kinagigiliwan at ginagawang libangan ang pag-aalaga ng mga naggagandahang halaman.





At kung certified plantita lang din naman ang pag-uusapan, ay kabilang nga riyan ang kilalang-kilala ng lahat na hindi nagpapahuli sa uso na asawa ni Manny Pacquiao, na si Jinkee. Sa tahanan nga ng pamilya Pacquiao, masisilayan ang iba’t ibang klase ng mga halaman, mapa-indoor plants man o makukulay na halaman sa kanilang hardin. Patunay lamang nito, na hindi lamang mamahaling sapatos, damit at bag ang kayang bilhin ni Jinkee, kundi maging ang pinakamahal na halamang nauuso ngayon ay maning-mani lamang sa kanya upang bilhin.

Kamakailan nga, nang magbahagi si Jinkee ng larawan sa kanyang facebook account kung saan makikita sa background ang halamang tinatawag na “variegated alocasia elephant ear”, ay marami sa mga certified plantita/plantito ang napabilib at napasambit na lamang ng “may nanalo na”.




Ito nga ay dahil alam ng mga certified plantita ang halaga ng naturang halaman, lalo na’t ito’y variegated, napakalaki at kakaiba ang kulay. Kaya naman, marami sa mga netizens ang napabilib ni Jinkee, dahil ang naturang halaman na may napakamahal na halaga at napakahirap hanapin ay napunta sa loob ng kanilang tahanan.

Hindi nga nakatiis ang mga netizens lalo na ang mga certified plantita na magbigay ng kanilang komento at reaksyon sa naturang post ni Jinkee. Ang ilan nga sa mga ito’y talagang humanga sa ganda ng halaman. May ilan naman na nagbiro pa sa kanilang komento. Narito ang mga komento ng mga netizens:

“Hanggang sa halaman ba naman Jinky pinamukha mong poor kami?! Inaano ka ba ng makahiya namin?”
“Mahal na nga ang halaman, variegated pa! Edi mas mahal na sya haha.”
“Uwian na, may nanalo na!”
“Nabili niya ang enchanted forest.”


Samantala, ang post naman ni Jinkee bukod sa napakagandang halaman na nasa kanyang likuran, ay marami rin ang humanga sa kanyang ganda at awra na talagang bumagay sa kanyang magandang damit. At ang larawan nga, na kung saan ay talagang napakaganda tingnan lalo’t bumagay ang background sa awra ni Jinkee, ay nilakipan naman niya ng napakaganda at nakaka-inspire na caption na:

“When you woke up this morning, God gave you a gift called ‘today.’ Always remember how precious this gift is because you can never get back the time that has gone by.”