Mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, Balak Ibenta Online ang mga Cake na Mismong si Sarah ang Nag-bake

Matatandaan kamakailan na proud na ibinahagi ng aktor na si Matteo Guidicelli sa kanyang Instagram ang masarap na gawang Lemon Blueberry Buttermilk cake ng kanyang asawang si Sarah Geronimo, na ayon sa post ng aktor ay “will blow your mind” kapag natikman ito. Nilakipan naman niya ito ng hashtag na “#shesthebest.”

Photo credits: matteog | Instagram

Hindi naman talaga maitatanggi na proud na proud si Matteo sa talento ng kanyang asawang si Sarah pagdating sa pag-bibake ng cake. At ang bawat gawang cake ni Sarah ay proud na pinopost ng aktor sa Instagram. Matapos nga ipost ni Matteo ang masarap na cake na gawa ni Sarah kamakailan, ay marami ang nagkainteres at nais ring matikman ito.

Photo credits: matteog | Instagram




Marami nga sa mga kaibigan ng mag-asawa sa showbiz ang nagkomento kung kailan matitikman ang masarap na cake na gawa ni Sarah. Hindi naman nag-atubiling sumagot agad ni Matteo ng:

“Taking orders soon. One week in advance, pre-order. I’ll send you the menu.”

At ngayon nga, tulad ng ilang celebrities sa showbiz na pinasok ang online business, ang mag-asawang Matteo at Sarah ay sasabak na rin sa online business kung saan ang kanilang magiging produkto ay ang masasarap na cake na mismong si Sarah ang nag-bake. Bilang paghahanda sa magiging online business nilang mag-asawa ay naglaan sila ng isang linggo upang tumanggap ng pre-order at ihanda ang lahat ng kakailanganin.




Matapos nga sumagot ni Matteo sa komento ng kanyang post, ay agad na dumagsa ang mga pre-order mula sa mga kaibigan nila sa showbiz at maging kanilang mga followers sa Instagram upang matikman ang masarap na gawang cake ni Sarah.

Photo credits: matteog | Instagram

Samantala, hindi lang sa Pinas ang may nais matikman ang gawang cake ni Sarah, kundi mga taga-ibang bansa rin. Sa katunayan nga nito, ay may netizen mula sa abroad ang nagkomento kung nag-shiship sila internationally at tinanong kung paano mag-order at kung magkano.

Talaga namang nakakabilib ang kakayahan ni Sarah, hindi lamang bilang isang mahusay na singer at mapagmahal na asawa, kundi pati na rin sa pag-bibake ng cake, ay kahanga-hanga rin ang kanyang talento. At ngayon nga, pati ang pagnenegosyo ay papasukin na rin niya gamit ang talento niya sa pag-bibake ng masarap na cake. Tiyak naman na magiging patok sa panlasa ng kanyang mga customer ang masarap niyang cake.

Hindi naman maikakaila na talagang mahal na mahal ni Matteo si Sarah, dahil suportado nito ang singer sa mga bagay na kinahihiligan nito.