Lovely Couple na sina Sam Milby at Catriona Gray, Nakiisa sa Proyekto ni Gretchen Ho; 50 Residente ng Pasig Nabiyayaan ng Bisikleta

Magmula nang dumating ang pandemya sa bansa, ay walang tigil ang pagpapaabot ng tulong ng mga may mabubuting kalooban sa ating mga kababayan na higit na nangangailangan. At dahil nga sa pandemya, ay marami rin sa ating mga kababayan ang nawalan ng trabaho at hanapbuhay kung kaya’t hindi matugunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.




Ngunit, sa tulong ng mga inilunsad na proyekto ng ilang personalidad, ay natulungan ang ilan sa ating mga kababayan. Tulad na lamang ng proyektong inilunsad ng TV host na si Gretchen Ho na “Donate A Bike Save A Job project”.

Ang naturang proyekto ay naglalayon na mabigyan ng mga sasakyang bisikleta ang ilan sa ating mga kababayan, upang kanilang maging transportasyon at magamit sa kanilang trabaho o pinagkakakitaan.

Matatandaan na kamakailan lamang nang maging bahagi ng proyekto ni Gretchen ang aktres na si Angel sa tulong ng programa nitong “Iba Yan” sa Kapamilya Channel. At sa pakikiisa ni Angel, ay nakamapahagi si Gretchen ng 30 pirasong bisikleta ang mga stuntmen at stuntwomen na nawalan ng trabaho. At dahil nga sa mga bisikleta, ay maaari na silang makapagtrabaho bilang mga delivery riders.

At kamakailan lamang, maging ang magkasintahan na sina Sam Milby at Miss Universe 2018 Catriona Gray, ay sinuportahan at nakiisa na rin sa proyekto ni Gretchen ngayong pandemya.




Sa Instagram ng TV host, ay masaya niyang ibinahagi ang magandang balitang hatid ng lovely couple sa kanyang proyekto. Makikita sa larawang ibinahagi ni Gretchen, na nakatayo si Gretchen at Cat, kasama ang Head ng Cornerstone Entertainment na si Erickson Raymundo sa isang lugar na puno ng mga bisikleta. Sina Catriona Gray, Sam Milby, at Gretchen Ho ay bahagi ng Cornerstone Entertainment.

Ayon naman, sa post ni Gretchen, ang mga naturang bisikleta ay para sa mga residente ng Pasig kung saan ay 50 bisikleta ang kanilang napamahagi.
Samantala, labis rin ang pasasalamat ni Gretchen sa kanyang manager na nag-pledge naman ng 250 bisikleta.

“Thank you for supporting the #DonateABikeSaveAJob project. My @cornerstone family is the BEST. Salamat sa walang-sawang pagtulong, lalo na sa pandemyang ito! Special mention sa manager kong si @visionerickson na nakuhanan ako kaagad ng pledge for 250 bikes.”

Pagbibigay naman ng update ni Gretchen, 50 katao na naman ang kanilang nabigyan ng trabaho at ang kanila nnag naipamigay na bisikleta ay nasa 185 na piraso na.

“May nabigyan na naman tayong 50 ng trabaho!! Sa ngayon 185 bikes na naipapamigay natin. Let’s put more riders on the road.”

Samantala, hinikayat naman ni Gretchen ang kanyang mga tagasuporta na mag-email lamang kung nais magpaabot ng tulong.

“If you want to donate, it’s 3500 pesos per bike. Please email us at gretchen@womaninaction.ph.”