Kuys Vhong Navarro, Ipinakita ang Kanyang Koleksyon ng mga Bear Bricks at Posters ng Kanyang mga Nagawang Pelikula

 

Matatandaan na kamakailan ay nagsagawa ng house tour ang aktor at komedyanteng si Vhong Navarro sa kanyang vlog kung saan ipinasilip ang kanyang walk-in closet na may dalawang palapag. Ipinakita rin niya isa-isa ang kanyang mga naggagandahan at magagarang koleksiyon ng mga sapatos na talaga namang daig pa ang isang botique ng sapatos sa dami.

Marami nga ang pinahanga ni Vhong sa kanyang koleksiyon ng sapatos at hindi maitatangi na ang mga sapatos ay talagang mahalaga sa aktor. Tila marami naman ang nabitin sa house tour ni Vhong, dahil hindi niya natapos ipasyal ang kanyang mga tagahanga sa kanyang napakagandang bahay.




Hindi naman binigo ni Vhong ang kanyang mga tagahanga, dahil ang kanyang house tour ay may part 2 pa. At nito lamang ika-25 ng Setyembre, ay ibinahagi na ni Vhong ang part 2 ng kanyang house tour vlog sa kanyang YouTube Channel.

Kung marami ang namangha sa koleksiyon ng mga sapatos ni Vhong sa part 1 ng house tour, tiyak na hahangaan rin ang koleksiyon niya ng mga laruan na tinatawag na bear bricks. Ilan nga sa mga ito ay rare bear bricks na talagang hinanap pa ni Vhong sa mga kapwa collectors upang mapabilang sa kanyang koleksiyon.

Photo credits: Vhong Navarro | Youtube Channel
Photo credits: Vhong Navarro | Youtube Channel    

Bawat karakter nga ay halos meron na ang aktor sa kanyang koleksiyon, tulad na lamang ng Sesame Streets at Pen Applepen artist. Kabilang rin sa kanyang mga rare collection ay Jack Sparrow, The Puppet Show at The Simpsons.




Ngunit, hindi lamang ito ang koleksiyon niya bear bricks, dahil sa 1st floor ng kanyang bahay, ay may isang silid kung saan nakadisplay ang iba pa niyang bear bricks collection. Dito naman ipinakita ni Vhong ang ilan sa rare koleksiyon niya tulad ng Felix the Cat, Batman, Tom and Jerry at Iron Man at marami pang iba.

Photo credits: Vhong Navarro | Youtube Channel
Photo credits: Vhong Navarro | Youtube Channel

Samantala, isinabay na rin ni Vhong sa kanyang house tour ang unboxing ng mga bagong dating na bear bricks tulad ng Pikachu, Joker, Winnie the Pooh, Star Wars at iba pa.

Photo credits: Vhong Navarro | Youtube Channel

Kahanga-hanga rin na sa loob ng napakagandang bahay ni Vhong, ay naglaan siya ng lugar para sa mga posters ng mga ginawa niyang pelikula kung saan ay nakalagay sa frame at maayos na nakasabit sa pader. Ilan nga sa mga ito ay Mr. Suave at Gagamboy na mga nauna niyang pelikula sa industriya ng showbiz. Ibinahagi rin ng aktor ang mga pelikulang nagawa niya kay Direk Joyce Bernal.

Photo credits: Vhong Navarro | Youtube Channel

Maging ang pelikulang My Only U na pinagtambalan nila ni Toni Gonzaga, kung saan niya nakilala ang asawang si Tanya Bautista, ay ipinakita ni Vhong.




Kilala rin si Vhong bilang isang mahusay na mang-aawit, at sa huling bahagi nga ng kanyang house tour ay ipinasilip rin ng aktor ang kanyang mga music albums na ginawa noon tulad ng Totoy Bibo, Don Romantiko, at Pamela.

Photo credits: Vhong Navarro | Youtube Channel

House tour pasilip part 2