Kilalanin ang mga Sikat na Celebrities na ito na may pa Elevator ang Kani-kanilang mga Napakalaki at Napaka Gandang Bahay

Ang magkaroon ng isang payak na bahay upang magsilbing tirahan kasama ang pamilya ay isa ng malaking katuparan sa buhay. Paano pa kaya kung ang magsisilbing tahanan ng isang pamilya, bukod sa napakalaki at napakaganda ay may elevator pa?




Kadalasan na ang naggagandahang bahay ng mga sikat na personalidad sa showbiz ay umaabot sa 2 hanggang 3 palapag na talaga namang may nakakamanghang disenyo. Ngunit, ang pagkakaroon ng elevator na hindi natin nakikita sa ordinaryong tahanan dahil sa kinakailangan ng maintenance at sadyang napakamahal mahal nito, ay makikita natin sa bahay ng ilang kilalang personalidad sa showbiz.

Ilan nga sa mga kilalang personalidad sa showbiz na may elevator ang kanilang napakalaki at napakagandang bahay ay ang mga sumusunod:

Angelica Panganiban

Taong 2016 nang ipa-renovate ng aktres na si Angelica Panganiban ang kanyang 3-storey house na matatagpuan sa isang village sa Quezon City. Ang interior design ng naturang bahay ay may kombinasyon ng Victorian at modernong disenyo. At ang isa sa nagsisilbing asset ng napakagandang bahay ni Angge ay ang elevator na naroon na bago pa man siya magpa-renovate.

Samantala, hindi naman maitatanggai na kahanga-hanga ang bahay ni Angge dahil sa pagkakaroon nito ng elevator. At nang bumisita nga ang kaibigan nitong si Angel Locsin, ay talagang napahanga ang aktres. Noong July 2016 nga, nang ibunyag ni Angel na may elevator ang bahay ni Angge.

Maliban naman kay Angel, ay bumisita rin ang aktres na si Kim Chiu sa tahanan ni Angge, at tulad ni Angel ay namangha rin ito at ibinahagi pa ang ganda ng bahay ni Angelica sa kanyang mga tagahanga sa Instagram.




Regine Velasquez at Ogie Alcasid

Ang tahanan naman ng mag-asawang singer na sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid ay may makalaglag panga ring ganda. Ang kanilang 3-storey house na may lawak na 600-square meter ay matatagpuan sa Quezon. Bukod nga sa napakaganda nito, na mismong ang Songbird ang nag-isip ng disenyo, ay may elevator rin ang kanilang bahay.

Nabili ni Regine ang lupa noong hindi pa sila kasal ni Ogie. At noong taong 2010 nang magpasya ang mag-asawa na magpatayo ng bahay sa naturang lupa. Noong 2013 naman nang magpa-renovate sila ng bahay kung saan idinagdag na nga rito ang elevator.

Samantala, sa isang panayam sa Rated K ibinahagi ni Ogie ang dahilan kung bakit may elevator sa bahay nila. Ito nga ay dahil matanda na ang kanilang mga magulang kung saan ay nahihirapan na ang mga ito sa pag-akyat at pagbaba sa hagdan kung kaya’t nagpalagay sila ng elevator.

ZsaZsa Padilla at Conrad Onglao

Kung pagandahan rin lang ng bahay ang pag-uusapan, hindi magpapahuli riyan ang singer-actress na si ZsaZsa Padilla at partner nitong isang architect na si Conrad Onglao na simula taong 2014 nang magkasama sa iisang bubong.

Minsan nang naitampok sa YES! magazine noong November 2014 issue, ang kanilang napakagandang 3-storey house na may modern Asian glass design na matatagpuan sa Makati City. At isa nga sa talagang ipinagmamalaki sa kanilang tahanan ay ang private elevator. Ngunit, ayon naman kay Conrad, ay mas madalas umanong gamitin ang hagdan ng kanilang tahanan kaysa sa elevator.




Samantala, maliban sa elevator ay may dumbwaiter rin ang kanilang tahanan. Ito naman ay ginagamit sa pag-akyat at baba ng mga maliliit na bagay at pagkain sa bawat palapag ng kanilang bahay.