Kilalanin ang mga Nag-Gagandahan at Nag Popogiang Anak ng mga Sikat na Celebrities na ito

Ang reality talent competition show ng GMA Network ay nagsimula noong 2003 kung saan ay nagkaroon ng 7 season. Ang programang ito ay ating inabangan at sinuportahan rin natin ang mga paborito nating kalahok ng naturang kompetisyon. Malaki rin ang naitulong ng programa sa mga nagwaging kalahok, na kung saan ay ito ang kanilang naging daan upang makapasok sa industriya ng showbiz para maging artista.




Ang ilan nga sa mga artistang nagmula sa StarStruck ay naging matagumpay ang karera sa showbiz at hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na namamayagpag ang karera sa industriya. Ngunit, tila kaybilis ng paglipas ng panahon, dahil ngayon nga ang mga iniidolo nating artista na produkto ng StarStruck ay may mga pamilya na at may mga mala-artistahing anak.
Kilalanin natin ang mga StarStruck Alumni at kanilang mga mala-artistahing anak.

Jennylyn Mercado

Ang sikat na aktres na si Jennylyn ay nagmula sa Season 1 ng StarStruck kung saan ay siya ang itinanghal na Ultimate Female Survivor. At ngayon nga, ay may isa na siyang anak na nagngangalang Alex Jazz. Si Jazz ay anak ng aktres sa dati niyang kasintahan na si Patrick Garcia.

Yasmien Kurdi

Nagwagi naman bilang First Princess ng StarStruck Season 1 si Yasmien. Napangasawa naman ng aktres si Rey Soldevilla ng isang piloto. At biniyayaan ng napakagandang anak na babae na kanilang pinangalanang Ayesha Zara.

Nadine Samonte

Ang madiskarteng si Mommy Nadine naman ay isang Avenger noon sa StarStruck. At ngayon nga ay may dalawa na siyang anak na sina Heather at Titus sa kanyang asawa na isang businessman na si Richard Chua.




Katrina Halili

Si Katrina naman ay isang Avenger ng StarStruck Season 1 na ipinamalas ang husay sa pag-arte nang makapasok sa showbiz. At ngayon nga, ay isa na siyang ina sa napakagandang anak na si Katie Lawrence.

Cristine Reyes

StarStruck Avenger Season 1 rin si Cristine Reyes. At tulad ng aktres, ay napakaganda rin ng kanyang anak na si Amarah.

LJ Reyes

Ang StarStruck Season 2 First Princess na si LJ ay may dalawa na ngayong anak, si Aki at si Summer. Si Aki ay anak niya sa dating karelasyon na si Paulo Avelino. Si Summer naman ay anak niya sa kanyang partner ngayon na si Paolo Contis.

Iwa Moto

Si Iwa naman ay StarStruck Season 3 First Princess. At ngayon ay isang full time mom sa kanyang anak na si Hiromi Aiko Eve.
Sarah Lahbati

Mula naman sa Season 5 ng StarStruck si Sarah kung saan ay nagwagi siya bilang Ultimate Female Survivor. Isa naman siya ngayong happy wife sa asawang si Richard Gutierrez. At Mommy ng dalawa niyang napakacute na anak na sina Zion at Kai.

Aljur Abrenica




Ang StarStruck Season 4 Ultimate Hunk na si Aljur Abrenica naman ay may dalawang anak sa asawa niyang aktres na si Kylie Padilla. At ang kanyang napakacute na anak ay sina Alas at Axl.