Ang aktres at TV host na si Karla Estrada ay isa sa hinahangaang aktres sa showbiz na may gwapo at naggagandahang anak. Hindi naman nakapagtataka na namana ng mga anak ni Karla ang kanyang ang kagandahan. Dumadaloy na talaga sa dugo ng kanilang pamilya ang mala-artistahin sa ganda at gwapong mga mukha.
Isa na nga rito ang anak ni Karla na si Daniel Padilla o DJ, na kilalang-kilala ng lahat bilang isang sikat na artista na pinagpala sa gwapong mukha at husay sa pag-arte. Labis na ipinagmamalaki ni Karla si DJ bilang kanyang anak na hindi lamang gwapo kundi malayo na rin ang narating sa pagiging artista sa showbiz.
Ngunit, hindi lamang si DJ ang ipinagmamalaki ni Momshie Karla sa kanyang mga anak, kundi pati na rin ang kanyang bunsong anak na si Carmella Ford Tenorio na ngayon nga ay dalagang-dalaga na.
Kamakailan lamang nang ibinida ni Momshie Karla ang kanyang bunsong anak sa Twitter kung saan ibinahagi niya ang larawan ng napakaganda niyang anak at sinabi na nagiging kahawig na ito ng kanyang panganay na anak na si DJ.
“My bunso is getting more Daniel Padilla look-alike every day! My Carmella,”
caption ni Karla sa napakagandang larawan ng anak.
Talaga namang kahanga-hanga ang ganda ni Carmella o “Lella” kung tawagin ni Karla ang bunsong anak. Marami rin ang nagkomento sa mga netizens na maaaring ilaban sa Miss Universe ang kagandahang taglay ni Carmella.
“DJ version dalaga na talaga si Lelay. Future Miss Universe sarap titigan ang mukha niya hindi ka magsasawa Pinay beauty,”
ani ni @BalisacanWilvie.
Makikita naman sa mga larawang ibinabahagi ng bunsong anak ni Momshie Karla sa Instagram, na talagang dalagang-dalaga na nga ito. At hindi maikakaila na sa paglipas ng panahon, ay masisilayan na rito ang angking natural na kagandahan.
Samantala, nang makapanayam naman si Carmella sa “Magandang Buhay”, ibinahagi naman nito kung gaano kabuting kapatid ang kanyang Kuya DJ sa kanilang magkakapatid.
Ayon nga kay Carmella, ay napaka-sweet at sobrang protective ng kanyang Kuya Daniel sa kanilang magkakapatid.
“Sobrang protective po siya. And siyempre sweet po siya ganun. Ayaw niya po na nagdadamit kami na kita ang skin masyado.”
Malaki rin ang pagpapasalamat ni Carmella sa kanyang Kuya DJ sa pagtayo nito bilang ama ng kanilang pamilya. Hindi raw ito nagsasawang tumulong sa kanilang Mama Karla, at palagi rin raw itong nakasuporta sa kanila.
“Kasi siya po ‘yung tumutulong din kay Mama, sa family po namin. Kahit sobrang busy po si Kuya, hindi pa rin po nawawala ang support niya sa amin.”
Napakapalad naman talaga ni Karla sa pagkakaroon ng mga mabubuting anak. Bukod rito, bagama’t magkakaiba ang ama ng kanyang mga anak, ay magkasundong-magkasundo ang mga ito at talagang nagmamahalan. May apat na anak si Karla, sina Daniel, JC, at Magui, kabilang na rito ang bunso niyang anak na si Carmella.