Ang napakaganda at napakaseksing Kapuso actress na si Lovi Poe ay isa sa hinahangaang artista sa showbiz. Ang aktres ang isa sa inspirasyon ng mga kababaihan pagdating sa pagpapaganda at pag-aalaga sa katawan.
At tulad ng ibang celebrities ay talagang nauuso rin ang istilo at disenyo ng bahay ni Lovi Poe. Ang kanyang napakagandang bahay ay masayang ipinasilip ng aktres sa mga manonood ng programang “Mars Pa More”. Sa panahon ng quarantine, ay ini-enjoy ng aktres ang pananatili sa loob ng kanyang tahanan.
Ang napakagandang bahay ni Lovi ay may all white colored theme na mas lalong pinaganda ng kulay asul na disenyo. Ang dining area ang unang ipinakita ni Lovi kung saan makikita ang mga kagamitan na kulay asul tulad kurtina at mahabang upuan sa dining table. Maging ang tiles sa kusina na nagsisilbing backsplash ay may disenyo rin ng kulay asul.
Mas naenjoy naman ng aktres ang kanyang house tour dahil sa kanyang alagang aso na si Señorito na ayon sa aktres ay makulit. Sumunod namang ipinakita ng aktres ang kanyang kitchen area, kung saan makikita ang all-white theme na talaga namang napakasarap pagmasdan at napakalinis tingnan. Ang mga kabinet at countertops, maging ang refrigerator ay pawang mga kulay puti rin.
Samantala, ang kanyang bedroom naman, bagama’t makikita ang kasimplihan ay masisilayan rin ang magandang disenyo. Ito nga ay may kombinasyon ng kulay puti at asul na disenyo. Ibinahagi naman ng aktres na ang kanyang silid ang nagsisilbing playground ni Señorito. Ibinahagi rin ng aktres ang kanyang work area sa loob ng kanyang silid na pawang kulay puti rin.
At dahil nga, isang inspirasyon ang aktres sa pagkakaroon ng fit and healthy body, hindi rin nawala sa tahanan ni Lovi ang kanyang mini gym kung saan makikita ang isang treadmill.
Kapansin-pansin rin ang isang napakagandang painting sa loob ng tahanan ni Lovi. Ito nga ay nabili ng aktres sa Rome at ayon sa kanya, ay na-inlove siya sa naturang artwork nang makita niya ito kung saan ay tila may kaparehong painting noong kabataan niya.
Huli namang ipinakita ng aktres ang kanyang garden kung saan makikita naman ang mga luntiang halaman na mas lalong nagpaganda sa kanyang tahanan.
Hindi naman maikakaila na ang bahay ni Lovi, ay sumisimbolo sa kanyang personalidad na talaga namang kahanga-hanga, na tulad niya ay napakaganda rin. Nasusunod rin sa mga nauusong disenyo ng bahay ngayon ang napakagandang bahay ng aktres.