Kahit Nakikita na ang mga Puting Buhok, Dawn Zulueta Litaw pa rin ang Taglay na Ganda, Mga Netizens Muling Pinahanga ng AKtres

Gandang walang kakupas-kupas, yan nga naman ang talagang nasasabi ng marami para napakagandang aktres na si Dawn Zulueta. Paano ba naman, sa halos ilang dekada niya sa industriya ng showbiz, ay mapapansin nga, ang tila walang pagbabago sa taglay niyang ganda, sa kabila ng tumatanda niyang edad.

Si Dawn Zulueta o Rachel Marie Salman Taleon – Lagdameo sa totoong buhay ay nagsimula sa kanyang karera sa showbiz noong siya ay 17-taong gulang. Noon pa man ay talaga namang maituturing na siya, na isa sa may pinaka-magagandang mukha na aktres sa Pilipinas, kaya naman maliban sa pagiging isang aktres, ay napasok rin niya ang pagmomodelo at pagiging isang host ng mga ilang mga show.

Ngayon nga ay nasa 51-taong gulang na ang aktres na si Dawn Zulueta, at sa kabila ng kanyang pagkakaroon na ng edad, ay hindi pa rin naman naglalaho sa aktres ang taglay na ganda nito na hanggang ngayon ay hinahangaan ng marami niyang mga tagahanga.

Nito ngang nakaraan lamang ay muling pinahanga ng aktres na si Dawn Zulueta ang maraming mga netizens, ng proud niyang ibahagi sa kanyang Instagram, ang kanyang larawan kung saan ay makikita na ang isa sa mga simbolo na siya ay nagkaka-edad na, at ito ay ang pagkakaron na niya ng gray hair o uban.

Noon ngang ika-31 ng Agosto, ay nagbahagi si Dawn Zulueta sa kanyang Instagram account ng kanyang ilang mga selfie na larawan, kung saan ay nilagyan niya ito ng caption na #DawnsUbanLegend, dahil sa mapapansin na nga sa kanyang mga larawan, ang kanyang mga uban o mga puting buhok.

Ilan naman sa mga netizens ang na-curious sa larawan ni Dawn, at nagtanong kung ang nakikita ba nila ay talagang ang orihinal na uban na ng aktres.

“Is that [your] natural gray hair po?”, ang naging katanungan nga ng isang netizens.
“Yes, I’m growing it out now,” ang naging kasagutan naman ni Dawn.

Ayon pa sa aktres, ang naging pagbabahagi niya ng kanyang larawan, kung makikita na ang kanyang mga gray hair ay isang self-imposed challenge.
Samantala, muli namang nagbahagi ang aktres ng isa pang selfie picture niya para sa kanyang “self-imposed” #DawnUbanLegendChallenge noong ika-9 ng Setyembre, kung saan mas lalo ng lumabas ang kanyang mga uban o gray hair.

Sa panibagong larawan ngg ng aktres ay nilagyan niya pa ito ng hashtag na #silverhairdontcare, kung saan ay nagbigay inspirasyon ito sa maraming mga kababaihan tulad niya na nakakaranas ng magkaroon ng puting buhok o uban na matutong tanggapin kung ano man ang nagiging pagbabago sa kanilang katawan dahil sa tumatanda nilang edad, katulad nga ng pagkakaroon na ng uban dahil parte talaga ito ng pagtanda ng isang tao.

Narito naman ang ilan sa mga naging komento ng mga tagahanga ng aktres, kung saan ay nagpapahiwatig sila ng paghanga at kung paano naging inspirasyon para sa kanila si Dawn, sa pagiging proud nito sa kanyang gray hair o uban.

“I admire your courage to show your natural hair colour.”
“I find you more beautiful now because you’re not afraid to flaunt it.”
“Miss Dawn, you are my inspiration!!!”
“I look to you and see that having grey hair is just as beautiful and can be graceful with ageing.”

Sa kabila nga ng paglabas ng mga puting buhok o uban ni Dawn, ay tila hindi naman ito naging kabawasan sa taglay na ganda ng aktres, kung pagmamasdan pa ngang mabuti ang kanyang larawan ay tila bumagay pa sa kanya ang kanyang mga uban at mas lalo pa siyang gumanda sa paningin ng marami niyang mga tagahanga.
Kaya niyo rin bang gawin ang #UbanLegendChallenge? At maging proud sa inyong tumutubong uban?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *