Ivana Alawi, Sinurpresa ang Kapatid Niyang si Hash ng Bilhan Niya Ito ng Sarili Nitong Lupa

Marami nga naman ang humahanga sa aktres at Youtube vlogger na si Ivana Alawi, ito ay dahil sa talaga namang napakaganda niya at ubod pa ng seksi, pero maliban rito ay hinahangaan at minahal rin ng marami sa kanyang ang pagiging mapagmahal niya sa kanyang pamilya.

Madalas nga natin nakikita sa mga vlog ni Ivana, ang lagi niyang ginagawang prank sa kanyang mga kapamilya, ngunit sa kabila nito ay batid rin natin kung gaano siya kalapit sa mga ito at kung gaano kamahal ang mga ito.

Matatandaan sa isang panayam noon kay Ivana, ay binanggit niya na ang kanyang pamilya ang isa sa kanyang mga inspirasyon para mas lalo pang magsumikap sa buhay, kaya naman lahat ng ginagawa niya ngayon bilang isang aktres at vlogger, ay inilalaan niya sa kanyang pamilya.

Ngayon, na malayo na nga ang nararating ni Ivana bilang isang Youtube vlogger, ay unti-unti na niyang tinutupad ang pangarap niya para sa kanyang pamilya.

Nito lamang nakaraan, sa latest vlog ni Ivana, ay ipinakita niya kung paano niya sinurpresa ang kanyang kapatid na si Hash, ng ibigay niya rito ang isang bagay na hindi nito inaasahan.
Sa unang parte ng video ni Ivana, ay sinabi nito na ang kanyang kapatid na lalaki ay sadyang napakasimpleng tao, at hindi ito yung tipo ng tao na materialistic.

“Si brother, ayaw niya ng mga Rolex, ayaw niya ng mga bag…. Kasi simpleng tao lang siya… Hindi naman daw niya sinusuot”, saad ng aktres patungkol sa kanyang kapatid na lalaki.

Kaya naman, imbis na mga materyal na bagay ang iregalo sa kapatid, ay naisip ni Ivana na isang spesyal na regalo ang ibigay dito. Spesyal, kasi isa itong bagay na talaga namang mabibigyan niya ng halaga sa mahabang panahon.

Ayon nga kay Ivana, ang bagay na ito na kanyang ibibigay sa kanyang kapatid na si Hash ay isang lupa, kung saan ay ipinangalan na niya rito ang titulo nito.
“…..para atleast, magagamit niya. Pwede niya patayuan ng bahay para sa magiging asawa niya., sa mga anak niya. For his future,” dagdag pa ni Ivana.

Matapos nga nito, ay niyaya na ni Ivana ang kanyang kapatid na si Hash, na ipagdrive siya papunta sa lupa kung saan umano nila ipapagawa ang bahay na para sa kanilang pamilya, kung saan ito ay palabas lamang para sa magiging sorpresa nila rito.

Pagdating nga sa nasabing lupa, ay inutusan ni Ivana si Hash, na tingnan nito ang mga dokumento ng lupa na kanilang dala-dala, at laking gulat ng binata ng makita sa mga ito na ang lupang kanilang kinatatayuan ng mga oras na iyon ay nakapangalan sa kanya.

“Why does it have my name? No way. Are you pranking me?”, ang nasambit nga ni Hash, sap ag-aakalang isa lamang itong prank sa kanya ni Ivana.
“No, tunay”, ang naging kasagutan naman ng aktres.
“You said you don’t want stuff, so we decided to get you a land”, dagdag pa nga ni Ivana.

Ss sinabi ngang ito ni Ivana, ay talaga namang hindi na alam ni Hash kung ano ang saya na kanyang mararamdaman, at sa sborang tuwa ay muntik na itong mapaluha at nasambit na lamang ang mga salitang;

“It’s too much Mariam (real name ni Ivana). I can’t believe it.”

Ayon nga kay Ivana, ang lupa na ibinigay niya sa kanyang kapatid ay ilanng buwan niyang pinag-ipunan, at para sa kanya ay deserve ito ng kapatid dahil sa hindi ito mahilig magpabili ng kung ano-ano sa kanya, lalo na ng mga bagay na hindi naman nito magagamit.
Ano ang masasabi niyo sa surpresa ni Ivana sa kapatid niyang si Hash?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *