‘I praise God for you’: Billy Crawford, May Nakakaantig at Sweet na Mensahe para sa Asawang si Coleen Garcia sa Pagdiriwang ng 28th Birthday nito

Dalawang taon nang nagsasama bilang mag-asawa ang celebrity couple na sina Billy Crawford at Coleen Garcia. Ang kanilang mga puso ay pinagbuklod noong Abril 2018 sa Balesin Island sa isang grand wedding ceremony kung saan naging saksi sa kanilang pagmamahalan ang kanilang malalapit na kaibigan at pamilya.




Ang kanilang buhay mag-asawa ay puno ng saya at kulay na talaga namang masisilayan ang isang tunay na pag-iibigan. Kaya naman, hindi nakapagtataka na nagbunga ng isang napakacute na sanggol ang kanilang pagsasama. At noong Setyembre 10 nga, isinilang ni Coleen sa pamamagitan ng water birth sa kanilang tahanan ang isang malusog at napakacute na baby boy na pinangalanan nilang Amari.

Sa pagdating nga ni Baby Amari sa buhay nilang mag-asawa, ay doble ang kaligayahang nadarama ni Coleen sa pagdiriwang ng kanyang 28th birthday noong araw ng Huwebes, ika-24 ng Setyembre. Naging espesyal nga ang pagdiriwang ng kaarawan ng aktres, dahil bukod sa mga regalong bigay sa kanya ng kanyang mga kaibigan at kapamilya, ay isang regalong hindi matutumbasan ng anumang halaga ang hatid ng kanyang anak na si Baby Amari.

Talaga namang napakapalad ni Coleen, dahil bukod sa kanyang anak, ay napakaswerte rin niya sa pagkakaroon ng isang mapagmahal na asawa na tulad ni Billy. At sa pagdiriwang nga ng kaarawan ng mahal niyang asawa, ay hindi nakalimutan ni Billy na magpaabot ng isang nakakaantig at sweet na mensahe.

Sa Instagram, nagbahagi si Billy ng mga larawang magkasama sila ni Coleen at nilakipan ito ng isang mensahe na punong-puno ng pasasalamat at pagmamahal. Mensahe nga ni Billy kay Coleen “I praise God for you”, dahil ito umano ang dahilan kung bakit masaya at makulay ang kanilang pamilya.




“Happy birthday #myeverything. Your life has been so colorful and time and time again you always shock the world! You are the toughest, strongest, smartest, beautiful, wonderful, I mean, I can go on and on and on. But I really just want to thank you for everything! Apart from the obvious, sacrificing everything to give us a healthy, beautiful family. I praise God for you.”

Pahayag pa ni Billy, bagama’t hindi umano mahilig magdiwang ng kaarawan si Coleen, ay maituturing na isang espesyal na okasyon ito dahil sa kaparehong buwan isinilang ang kanilang anak. Ayon pa kay Billy, ay utang umano niya kay Coleen ang buhay nila ni Baby Amari kung kaya’t karapat-dapat lamang na ipagdiwang at ipagpasalamat ang kanyang espesyal na araw.

“I know you don’t care much about celebrating your birthday but you get to have the same birth month as our son and that is something super special. We owe you our lives. Please do enjoy this special day.

Saad ka ni Billy, hindi man ito espesyal para kay Coleen, ay espesyal naman ito para sa mga taong nagmamahal sa aktres.

“If it ain’t special for you, it’s special for all of us who love you and care for you!”

Sa huli, ipinahayag naman ni Billy ang labis na pagmamahal sa asawa na tinawag pa niyang “My Queen”.

“I love you so so much. Happy, happy birthday my Queen!”