‘Fully recovered & up on my feet’: Coleen Garcia, Naka-recover na Mula sa Panganganak kay Baby Amari; Fit and Seksi na Ulit

Ilang araw na nga ang nakalipas matapos magsilang ang napakagandang aktres na si Coleen Garcia sa panganay nilang anak ni Billy Crawford. Sa pagdating ng kanilang napakacute na anak na si Baby Amari sa kanilang buhay, ay iba ang hatid nitong kaligayahan sa kanilang mag-asawa. Na talagang excited na alagaan at mapalaki ng maayos ang kanilang anak.

Matatandaan na noong September 10, nang isilang ni Coleen si Baby Amari sa kanilang tahanan sa pamamagitan ng napili nilang paraan upang huwag masyadong mahirapan si Coleen sa panganganak, ang water birth.

Samantala, ang bawat kaganapan naman sa bagong journey nilang mag-asawa bilang first time parents, ay kanilang ibinabahagi sa kanilang mga tagahanga sa Instagram. Hindi nga naging madali ang kanilang pagsisimula na tinawag naman ni Billy bilang “life-changing experience.” Ngunit, dahil nga sa pagmamahal sa kanilang anak ay ginagawa ng mag-asawa ang kanilang makakaya upang maalagaang mabuti si Baby Amari.




Isa na ring “padedemom” si Coleen, at proud siya dahil nabibigyan niya ng masustansyang gatas ang kanyang anak. Hindi rin naging madali kay Coleen ang lahat, bukod nga sa puyat at pagod nakakaranas rin siya ng postpartum blues.

At ngayon nga, ay masayang ibinahagi ni Coleen sa kanyang Instagram Story na “fully-recovered” na siya matapos ang isang linggo pagkapanganak kay Baby Amari. Ngayon nga, ay iba na ang kanyang pakiramdam na tila mas lumakas umano siya.

“Fully-recovered and up on my feet! Feeling a different kind of #strong now.”

Ayon naman kay Coleen, ang kanyang katawan ay marami ang pinagdaanan noong mga nakaraang buwan, at ito ang nagpakita sa kanyang sarili ng isang “whole new light”. At matapos nga manganak, ay nalaman rin ni Coleen na mas dapat niyang tanggapin at mahalin ang kanyang sarili.




“It’s been an incredible journey of self-love and acceptance.”

Samantala, makikita naman sa larawang ibinahagi ni Coleen na bagama’t mababakas parin ang “linea nigra” sa kanyang tyan, ay makikita naman na agad nagbalik sa normal ang kanyang katawan. Hindi na nga makita, ang malaki niyang tyan at ngayon nga ay napakasexy niya ulit na tila hindi dumaan sa pagbubuntis.

Magkatulong ngayon ang mag-asawang Billy at Coleen sa pag-aalaga sa kanilang napakacute na anak na si Baby Amari. Hindi naman maikakaila na talagang masayang-masaya ang mag-asawa sa bagong journey na kanilang tatahakin bilang mga magulang ni Baby Amari. Makikita rin na mahal na mahal ng mag-asawa ang kanilang munting anghel na siyang bumuo ng kanilang pamilya.