First-time Parents Carlo Aquino at Trina Candaza, Masayang Ibinahagi ang Pregnancy Journey ni Trina sa Isang Video

Walang katumbas na kaligayahan ang naramdaman ng aktor na si Carlo Aquino at kasintahan nitong si Trina Candaza, nang isilang ni Trina ang kanilang panganay na anak noong ika-13 ng Setyembre. Isang napakacute na baby girl ang isinilang ni Trina na pinangalanan nila ng Enola Mithi.

Samantala, marami ang nagulat sa anunsiyo ng aktor na si Carlo na siya ay isa nang ganap na ama matapos manganak si Trina sa kanilang panganay. Ito nga ay dahil hindi isinapubliko ng magkasintahan ang pagbubuntis ni Trina, at nalaman lamang na magiging magulang na sila noong nanganak na si Trina.




Ngunit, hindi naman naging hadlang ang pagkakaroon nila ng pribadong journey sa pagbubuntis ni Trina, dahil mas lalo pa nilang na-enjoy ang pagiging soon-to-be parents nang walang ibang iniisip. Sa katunayan nga nito, ay nai-record pa ng magkasintahan ang pregnancy journey ni Trina sa pamamagitan ng isang video.

At kamakailan nga, ang pregnancy journey ni Trina ay masayang ibinahagi ng magkasintahan sa publiko. Sa isang video na naglalaman ng 3-minuto mapapanood ang masayang bonding ng magkasintahang Carlo at Trina habang hinihintay ang nalalapit na pagdating ni Baby Enola hanggang sa isilang na ang kanilang napakacute na baby.
Makikita nga na talagang alagang-alaga ni Carlo ang kanyang mag-ina, at bawat cravings ni Trina ay ibinibigay ni Carlo. Makikita nga na talagang excited na sila sa nalalapit na pagdating ng kanilang munting anghel.

Photo credits: trinacandaza | Instagram

Mapapanood rin sa maikling video ang anunsiyo ni Trina sa gender ng kanilang anak na isinagawa sa pamamagitan ng Zoom video call kasama ang kanilang pamilya. Maging ang paghahanda sa mga kasuotan na gagamitin ni Baby Enola na mismong ang magkasintahan ang nagprepara ay mapapanood rin sa video.

Photo credits: trinacandaza | Instagram

At ang pinakahihintay nga ng magkasintahan na pagdating ni Baby Enola ay hindi nila nakaligtaang isama sa video.

Photo credits: trinacandaza | Instagram

Samantala, sa pagbabahagi ni Trina ng video ng kanyang pregnancy journey sa Instagram, ay pinasalamatan niya ang mga taong sumuporta at umalalay sa kanya bilang first time mom. Maging ang mga taong inirespeto ang pribado nilang buhay habang siya’y nagbubuntis ay pinasalamatan rin niya. At siyempre, higit niyang pinasalamatan ang kanyang ‘Love’ na si Carlo dahil palagi itong nasa tabi niya.




Photo credits: trinacandaza | Instagram

“Thank you to all the people who have been part of my pregnancy and respected our privacy. To my friends, thank you for always visiting me even if I’m 30 km away. To my family, thank you for always being there. To Pem, thank you for cooking everything that I crave! and to Love, thank you for working hard.”

Photo credits: trinacandaza | Instagram

Matatandaan na umugong ang relasyon nina Carlo at Trina noong 2019, matapos makita ng publiko ang kanilang sweet photos online. At noong nakaraang Oktubre nga ay kinumpirma na ng dalawa ang kanilang relasyon bilang magkasintahan.