Patok na patok nga ngayon ang mga challenge sa mga vlog ng mga sikat na vloggers at mga artista. Ang mga challenge na kanilang ginagawa ay kadalasang request ng kanilang mga tagahanga. At marami na nga ang kumasang mga vloggers sa challenge, upang mapasaya ang kanilang mga followers.
At isa nga sa challenge na nauuso ngayon, ay ang “24 hour jowa challenge”. Marami na nga ay napasaya at pinakilig ng naturang challenge. Kaya naman, marami na ring mga artista ang hinamon ng kanilang mga tagahanga na gawin ang naturang challenge.
Isa na nga rito ang magkaibigang Erich Gonzales at Enchong Dee. Maliban sa pagiging magkatrabaho, at magka-love team sa mga pelikula, ay matalik na magkaibigan rin ang dalawa sa tunay na buhay.
Dahil nga, marami sa kanilang mga tagahanga ang may kahilingan na gawin nila ang “24 Hour Jowa Challenge”, ay pinaunlakan ng dalawa ang hiling na nito. Kaya naman, ngayon ay masasaksihan na ang kanilang ka-sweetan bilang “mag-jowa” sa loob ng 24 na oras.
Sa kanilang collaborative YouTube Channel na “Enrich Originals”, ibinahagi nila ang kanilang vlog kung saan tampok ang 24 hour jowa challenge na maghahatid ng kilig at goodvibes sa mga manonood.
Sa video, ang naging endearment nga nila bilang “magkasintahan” ay boyfriend, tawag ni Erich kay Enchong at sexy, tawag naman ni Enchong kay Erich. Sa umaga ng pagsisimula ng challenge, ay nagkaroon sila ng kwentuhan at vocalization habang nakaupo sa veranda at umiinom ng tsaa.
Makikita na una pa lang, ay nag-eenjoy na ang dalawa sa naturang challenge. At ayon pa nga kay Erich, ay talagang napakasweet ni Enchong at maabilidad pa.
Nang magsawa naman veranda, ay nagtungo naman sila sa sofa upang maglaro ng Call Of Duty. Matapos naman nito, ay kumain na sila ng tanghalian kung saan ang ulam nila ay ginataang puso ng saging na dala ni Enchong.
Naging bonding moments rin nila ang paghuhugas ng mga platong kanilang pinagkainan. Si Enchong ang naghugas, samantalang si Erich naman ang nagpunas ng lamesa.
Sumunod naman ang paggawa nila ng lemon juice na kung saan ay si Enchong ang nagpiga ng lemon dahil sa walang squeezer sa bahay ni Erich.
Marami pang bonding moments ang ginawa ng “magkasintahan”, na talagang makikita na enjoy na enjoy sa isa’t isa. At hindi rin nawala ang kanilang pagiging sweet sa bawat isa.
Sa huling bahagi naman ng video, pagkagaling sa trabaho ay dumiretso na ang dalawa sa bahay nina Enchong. Doon na nga sila kumain ng late dinner dahil sa matagal umanong natapos ang kanilang trabaho.