Doug Kramer, Binalikan ang Nakakakilig at Masayang Love Story nila ng kanyang Asawang si Chesca Garcia

Napakasarap naman talaga sa pakiramdam ng may iniibig at may umiibig dahil ang kaligayahan na hatid nito ay nakakapagbigay kulay sa buhay. At kapag, natagpuan na ang taong itinakda ng tadhana ay masasabi na totoong may “forever”. Sa pagsapit naman ng mahabang panahon ay napakasarap balikan ang nakakakilig na love story ng dalawang taong nagmamahalan.

Photo credits: Dough Kramer | Instagram

Katulad na lamang ng mag-asawang Doug Kramer at Chesca Garcia, na matapos pagtagpuin ng tadhana ay kanilang naramdaman ang labis na kaligayahan sa isa’t isa.
Dahil sa kanilang maganda at nakakakilig na love story, ay hindi parin maiwasan ni Doug na kiligin sa tuwing ikwinikwento ang pagsisimula ng kanilang love story ng asawang si Chesca.



At kamakailan nga, ay masayang ibinahagi ni Doug sa Instagram ang love story nila ng kanyang asawa sa pamamagitan ng isang throwback photo na kuha sa kanilang unang date noong 2003.

Kalakip ng nasabing larawan, ay ang detalyadong kwento ni Doug ng pagsisimula ng kanilang love story. Ayon nga kay Doug, ay na-broken hearted umano siya kay Chesca, dahil nga pagkatapos ng kanilang pagkikita ay tila umiwas na raw si Chesca. Hindi na umano ito nagparamdam sa kanya kung saan ay hindi sumasagot sa mga tawag at text niya sa di malamang dahilan.

“It’s crazy to think this was taken at our first date, late 2003. But still with lots of her friends beside us. Moreso, here’s a little fact. We met around April but Chesca sort of gave herself some space for several months for personal reasons. Avoided me muna, not answering my texts and calls. I was heartbroken. Haha.”

Photo credits: Dough Kramer | Instagram

Ngunit, hindi umano inaasahan ni Doug na matapos ang ilang buwan, ay mismong si Chesca na ang magpaparamdam sa kanya. Sa mga panahong ito, ay nagsisimula na umano siyang mag-move on kung saan, kahit na masakit ay binura na niya ang mga larawan ni Chesca. Kaya naman, laking gulat niya ng mag-text ito sa kanya.

“Then suddenly, around August. It’s been months since we spoke. I “moved on.” (not really) I painfully deleted her pictures… then suddenly out of the blue, she texted me that she got to watch my Ateneo game on tv. Then afterwards texted this, ‘I miss you’.”



At sa mahabang panahon ng hindi pagkikita at pag-uusap, ay napagtanto ni Doug na hindi pa rin nagbago ang nararamdaman niya para sa aktres, kaya naman agad siyang nakipagkita rito.

“l remember getting so kilig, I left my friends to meet her. Hahaha! The rest is history!”

Photo credits: Dough Kramer | Instagram

Sa tuwing maaalala nga ni Doug ang kwento ng pagsisimula ng kanilang pag-iibigan ay nakakaramdam parin umano siya ng kilig.

“I know love is more than an emotion, that it’s a choice, especially as time goes by. But when I reminisce about what happened to us before, our love story, the way I look at you now, our history, I still feel the butterflies in my tummy. I still get kilig with you! I love you @chekakramer!”

Tunay nga na mahal na mahal ni Doug ang kanyang asawang si Chesca. Matatandaan na ikinasal sina Doug at Chesca noong October 9, 2008. At ang kanilang masayang pagsasama ay biniyayaan ng tatlong anak na sina Clair Kendra, Scarlett Louvelle, at Gavin Phoenix.