Dianne Medina, Nagsilang na! Unang Baby Nila ni Rodjun Cruz, Isang Kyut at Malusog na Baby Boy

Sa buhay ng mag-asawa sadya nga namang maituturing na isang malaking biyaya sa kanilang pagsasama ang magkaroon ng anak, na mas magbubuklod sa kanilang pagsasama at magbibigay kulay pa lalo sa kanilang binubuong pamilya.

Hindi nga naman lahat ng mag-asawa, ay nabibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng anak o maging isang magulang, kaya naman lubos ang ligaya at pasasalamat ng mga taong binigyan ng pagkakataon na maranasan ang magkaroon ng sariling anak, kung saan sila’y tatawaging magulang nito.

Sina Dianne Mediana at Rodjun Cruz, ay isa sa mga celebrity couple na kakakasal lamang noong nakaraang taon, kung saan ay masasabi natin na agad nilang natanggap ang biyaya na naging isang magulang itobay dahil sa ilang buwan lamang matapos ang kanilang kasal ay masaya nilang ibinahagi na silang mag-asawa ay nalalapit ng maging magulang dahil sa nagdadalang-tao na si Dianne.
Matatandaan nga na noong buwan ng Disyembre noong nakaraang taon ng ikasal ang matagal ng magkasintahang Rodjun at Dianne sa Manila Cathedral, at noon namang buwan ng Abril ng kasakukuyang taon, unang inanunsyo ng dalawa na sila’y magiging magulang na.

Si Dianne Medina, ay isa sa mga celebrity mom na nagkataon ring manganganak sa panahon kung saan ang buong mundo ay dumaranas ng takot at panganib dala ng kumakalat na pandemya. Kaya naman sa kanyang pagbubuntis ay naging doble ang panalangin at pag-ingat ni Dianne, upang masiguro ang kaligtasan nila ng kanyang ipinagbubuntis.

Samantala, nito ngang ika-10 ng Setyembre taon ng kasalukuyan, ay masayanag ibinahagi ni Dianne Medina sa kanyang Instagram account, na siya’y nagsilang na sa kanilang panganay na anak. Kung saan lubos ang naging papasalamat ng aktres, dahil sa kabila ng pandemyang kinakaharap natin ngayon, ay malusog ang kanilang baby, at ligtas rin siyang nakapanganak.

“My Answered Prayer, my Baby Rodolfo Joaquin III” ang naging caption ni Dianne sa Instagram kung saan ay may kalakip ito na larawan nila ng kanyang baby.
Isinilang nga ni Dianne Medina, ang kanyang unang anak na pinangalanan niyang Baby Rodolfo, noong ika-10 ng Setyembre, araw ng Huwebes sa oras na 1:55 A.M.

Maging ang asawa ni Dianne na si Rodjun Cruz ay masaya ring nagbahagi ng larawan ng kanilang baby boy sa kanyang Instagram account.
“(September 10, 2020) Welcome to the world Rodolfo Joaquin Diego III. I love you so much my son@babyjoaquinillustre! I will hold your hand forever and guide you every step of the way. Thabk You Lord!”, ang naging caption naman ni Rodjun sa mga larawan ni Baby Rodolfo na kanyang ibinahagi.

Makikita nga sa larawan nina Rodjun at Dianne kung gaano sila kasaya sa pagdating ng munting anghel sa kanilang buhay, kung saan batid nila na ang baby nilang ito ang mas lalo pang magpapatibay sa pagsasama nilang mag-asawa at magiging sentro ng kaligayahan ng kanilang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *