Coleen Garcia, Ibinahagi Kung Paano ang Set-up nila ng kanyang Asawang si Billy Crawford Pagdating sa Pag-iipon at Pag-mamanage ng Pera

Sa buhay mag-asawa, ang isa sa pinagtutuunan ng pansin ay ang usaping pera. Dahil nga, mag-asawa na at may sarili ng pamilya, magkaagapay na ang bawat isa sa mga gastos at bayarin sa loob ng tahanan. Mahalaga rin na isakatuparan ang tamang paghawak ng pera at pag-iipon bilang paghahanda sa hinaharap.




Kadalasan nga, na ang mga ilaw ng tahanan ang siyang humahawak ng pera sa loob ng tahanan sa pamilyang Pilipino. Dahil si misis ang naiiwan sa bahay upang mamalengke at magbayad ng bills, siya ang nakakaalam ng bawat gastos ng mag-anak. Samantalang si mister naman ang kumakayod para sa pamilya, tuwing sahod ay nagbibigay ng pera si mister kay misis. Ito nga ang nakaugalian nating set-up pagdating sa paghawak ng pera ng pamilyang Pilipino.

Photo credits: Billy Crawford | Instagram

Ngunit, sa pagdaan ng panahon ay nagbago na ito, dahil nga sa pagiging madiskarteng misis ng ilan sa mga ilaw ng tahanan ay nagkakaroon na rin sila ng kakayahang magkaroon ng sariling pera.

Photo credits: Billy Crawford | Instagram

Samantala, bawat mag-asawa ay may kanya-kanya namang paraan kung paano nila i-manage ang pera ng kanilang pamilya. Katulad na lamang ng mag-asawang Coleen Garcia at Billy Crawford na magkaagapay sa mga gastusin.

Sa programang magandang buhay, ibinahagi ni Coleen kung paano nila i-manage ni Billy ang kanilang pera.




Isa sa mga katanungan ni Momshie Melai si Coleen kung paano sila pagdating sa pag-iipon at kung sino madalas ang humahawak at nagmamanage ng pera.
Agad naman itong sinagot ni Coleen at sinabi na, may kanya-kanya silang responsibilidad ni Billy at may kanya-kanya ring account. Samantalang pagdating naman sa mga bills, ay wala umanong naka-assign kung sinong magbabayad sa tuwing sasapit ang bayarin.

Photo credits: Billy Crawford | Instagram

Ibinahagi rin ni Coleen, ay hindi umano nila binibilang ang mga bagay na naiaambag nila sa bills at mga gastusin sa kanilang tahanan dahil nga mag-asawa sila, at iyon naman ay para sa kanila.

Naikwento rin ni Coleen na pagdating sa kanilang mga sariling account, ay may access sila pareho. Ngunit, dahil nga may sarili namang account si Coleen ay hindi na niya ginagalaw ang pera sa account ni Billy. Dahil nga, pareho rin silang may trabaho, ay kita umano ng bawat isa ay pumapasok sa kanilang sariling mga account.

Ayon pa kay Coleen, ang kagandahan umano sa kanilang pagsasama pagdating sa pera, ay kaagapay nila ang bawat isa kung sakali mang mangailangan ang isa sa kanila.
Natanong rin ang aktres kung napag-usapan ba nila ni Billy ang ganitong set-up bago sila ikasal. Pahayag naman ni Coleen, dahil nga sobrang close naman nila ni Billy, ay hindi na umano nila ito pinag-usapan at kusa na lang daw na naging magkaagapay sila. Ang importante raw sa kanila ay nakakabayad sila ng bills, at napupunan ang mga kailangan ng bawat isa.

Ang mahalaga rin daw sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa, ay sinusuportahan nila ang nais ng bawat isa, na malaking tulong upang maging matatag ang kanilang pagsasama.

Coleen on how she and Billy balance their finances | Magandang Buhay