Childstar na si Jana Agoncillo, Proud na Ibinahagi sa kanyang mga Tagahanga ang Pinapatayong Bahay na Bunga ng kanyang Pagsisikap

Ang childstar na si Jana Agoncillo ay pinatunayan na hindi hadlang ang edad upang maabot ang mga pangarap sa buhay. Dahil sa kanyang murang edad ay unti-unti na niyang tinutupad ang kanyang pangarap para sa kanyang pamilya. Kamakailan nga, masayang ibinahagi ng batang aktres ang kanyang ipinapatayong bahay na kanyang pinagpaguran sa pag-aartista.



Photo credits: janapatching | Instagram  

Sa kanyang post sa Instagram, ay proud na ipinasilip ni Jana ang pinapatayong bahay na kasalukuyang under construction. Ayon nga sa post ng batang aktres, ay labis niyang ipinagmamalaki ang bunga ng kanyang pagsisikap na bagama’t maliit, ay nagmula naman sa marangal na paraan.

“Kahit maliit basta galing sa marangal at pinagsikapan mo just proud & grateful.”

Sa bawat hakbang naman patungo sa tagumpay at mga biyayang natatanggap ni Jana sa kanyang buhay, ay hindi siya nakakalimot na magpasalamat sa Maykapal. Laking pasasalamat rin ng aktres dahil may masisilungan na silang bahay, na matatawag sa sariling tahanan.

Photo credits: janapatching | Instagram

“Thank you Jesus for making way and aligning everything I love you Jesus may masisilungan na kami. TO GOD BE ALL THE GLORY. Namaste Universe.”

Samantala, labis rin ang pasasalamat ni Jana sa ABS-CBN matapos niyang maging bahagi ng cast ng teleseryeng “Ang Sa Iyo Ay Akin”. Ayon nga sa batang aktres, ang magkaroon ng proyekto at muling mapanood sa telebisyon ay napakalaking tulong para sa kanyang pamilya, lalo na ngayong panahon ng pandemya.



“This is how we do our taping. Maraming salamat po sa aking Kapamilya network. Malaking tulong po sa aking pamilya ang pag bibigay nyo sakin ng works sa gitna ng pandemia.”

Sa kabila naman ng nararanasang hirap sa gitna ng pandemya, ay nananatili ang pagiging positibo ni Jana sa buhay.

Photo credits: janapatching | Instagram

“Naniniwala ako na makakabangon tayo ng sabaysabay at gagawa ng paraan ang MayKapal para mag kaunawaan na ang bawat isa dahil sa huli tayo tayo rin ang mag kakasama at mag tutulungan.”

Tunay nga na kapag nagsumikap sa buhay, ay tiyak na makakamtan ang minimithing pangarap, lalo na kung marunong magpasalamat sa Maykapal sa mga biyayang Kanyang ipinagkakaloob. Isang patunay nga riyan ang batang aktres na si Jana, na kahit nasa murang edad ay nagawa na niyang maisakatuparan ang kanyang pangarap dahil sa pagtitiwala sa Maykapal.

Photo credits: janapatching | Instagram

Matatandaan na ang cute na batang si Jana ay napanood natin sa mga teleserye ng ABS-CBN tulad na lamang ng Ningning, Dream Dad, Honesto, at Bagani. Naging bahagi rin ng tatlong episode ng drama anthology na “Maalaala Mo Kaya” ang childstar. Hinangaan ng mga manonood ang husay ng batang aktres sa kanyang pagganap, kaya naman, hindi nakapagtataka na dumami pa ang mga proyektong kanyang ginampanan.

At maging sa mga pelikula nga, ay nasaksihan rin natin ang kanyang natatanging husay sa pag-arte. Ilan sa mga ito ay Mano Po 7: Chinoy at Everything About Her. Nakasama rin ni Jana ang mahusay na aktres na si Judy Ann Santos sa teleseryeng Starla.