Billy Crawford, Lilipat na ng Network, Hindi Napigilan ang Maging Emosyunal Matapos Magpaalam sa kanyang Kaibigan na si Vice Ganda

Hindi matatawaran ang samahan at pagkakaibigan ng mga host sa noon time show na ‘It’s Showtime’. Sa tuwing mapapanood nga sila sa telebisyon, ay talagang napapatawa nila ang mga manonood sa tuwing sila’y nagkukulitan. Katulad na lamang ng magkaibigang Billy Crawford at Vice Ganda na nagkasama na ng mahabang panahon sa programa.




Ngunit, dahil sa pagsasara ng ABS-CBN Network na kung saan ay apektado rin ang mga empleyadao ng network, ay magkakahiwalay at magkaiba na ang tatahaking landas ng magkaibigan dahil sa paglisan ni Billy sa nasabing network.

Araw ng Martes, ika-29 ng Setyembre nang kumpirmahin ni Billy ang tuluyan niyang paglisan sa ABS-CBN, at paglipat ng network. Sa programa ni Vice Ganda na “Gabing Gabi na Vice”, naging emosyunal ang pag-uusap ng dalawang magkaibigan.

Si Billy ay nalalapit nang mapabilang sa TV 5 kung saan siya ay magiging host ng noontime show at variety game. At sa napipintong paglipat ni Billy, ay hindi na nito napigil ang luha nang magpaalam kay Vice.

“I just want to say thank you”,

saad ni Billy kay Vice.

Pag-amin naman ni Billy, hindi naging madali sa kanya ang desisyon na iwan ang network na kanyang minahal at naging tahanan na niya ng mahabang panahon. Pagbabahagi nga dating host, ay iniiyakan raw nila ng kanyang asawang si Coleen Garcia ang bagay na ito.

Ngunit, ang nagbigay umano sa kanya ng lakas ng loob na tanggapin ang offer ng TV 5 na maging host at mapabilang sa network ay si Vice Ganda at ilan pang kaibigan at co-host niya sa ‘It’s Showtime’. Isa nga sa dahilan ng mga ito, na nagpakumbinsi sa kanya, ay ang pagiging magulang sa kanilang panganay na anak ni Coleen. Dahil nga, mas higit na kailangan ni Billy ng trabaho upang matustusan ang pangangailangan nito at ng kanyang pamilya.




Samantala, tiniyak naman ni Vice na walang anumang dapat alalahanin si Billy sa kanyang mga kaibigan at sa ‘It’s Showtime’ family. Nagbigay naman ng nakakaantig na mensahe si Vice para kay Billy na kung saan ay nangingibabaw ang kanilang pagkakaibigan at pagmamahal ng komedyante sa kaibigan.

“Sa pamilya mayroon naman talagang — mayroon kang mga kapatid na lilipat ng bahay. Pero hindi porket lumipat na siya ng bahay ay hindi mo na siya kapatid, or hindi mo na siya Kapamilya, hindi mo na siya mahal.”

“Maaaring lumipat siya ng bahay, pero family pa rin tayo. Kaya kahit lumipat ka ng bahay, kahit saang bahay man tayo mapunta, family kita at magkapamilya [pa rin tayo], at mahal na mahal kita.”

At matapos nga marinig ang nakakaantig na mensahe ni Vice, ay hindi na napigilan ni Billy ang tuluyang pagbagsak ng kanyang luha sa gitna ng kanilang pag-uusap. At bilang sagot ni Billy ang tanging nasambit na lamang nito ay: “Mahal na mahal ko kayo. Mahal na mahal ko kayo.”

Gabing Gabi na Vice with the Crawfords!