Bea Alonzo, Ipinasilip ang kanyang Napaka Gandang Bahay na Nagsisilbing Tirahan niya sa Loob ng 8 Taon

Sino ba naman ang hindi hahanga sa ganda at talento ng aktres na si Bea Alonzo? Ang kanyang mga naging pelikula nga ay nagpaluha sa ating mga mata dahil sa mahusay niyang pagganap sa mga karakter sa kanyang mga proyekto na talagang damang-dama ang bawat eksena. At ang kahusayan ng aktres bilang artista ay nagbunga kung saan ay ilang ulit siyang nagwagi at naparangalan bilang Best Actress.

Ngunit, sa kanyang husay bilang isang artista, ay hindi lamang katanyagan at mga parangal ang kanyang nakamit kundi maging ang kanyang pinapangarap na bahay. Katulad nga ng angking kagandahan ng aktres, ay napakaganda rin ng kanyang bahay na bunga ng kanyang pagsisikap.




Sa unang pagkakataon ay ipinasilip ni Bea ang kanyang napakagandang tahanan sa publiko sa pamamagitan ng isang house tour vlog na mapapanood sa kanyang Youtube Channel. Ayon kay Bea, ay walong taon na niyang nagsisilbing tahanan ang bahay na ito kung saan ay taong 2012 niya ipinatayo ngunit noong nakaraang taon lamang niya ipina-renovate ang mga furniture sa loob ng tahanan.

“This has been my home for the past eight years, and dami nang nagbago. It evolved, just like myself. And you have always been part of my journey. That’s why I am thrilled that I’ll be able to share it with you, finally.”

     

Sadyang napakaganda ng bahay ni Bea dahil nga, mas pinili ng aktres na wag baguhin ang structure nito kundi mag-focus lamang sa tema at disenyo na kanyang nais. At sa tulong ng kanyang kaibigang interior designer ay naisakatuparan ni Bea ang kanyang hinahangad na tema at disenyo ng bahay.

Pagpasok sa loob ng tahanan ng aktres, ay agad na sasalubong ang maluwang at maaliwalas na kapaligiran. Unang ibinahagi ni Bea ang foyer kung saan makikita agad pagpasok sa loob ng tahanan. Kapansin-pansin ang napakagandang chandelier na may disenyong kulay itim, na mismong ang aktres ang nagdisenyo upang magmukhang quirky ang dating nito.

Ipinasyal rin ng aktres ang kanyang mga tagahanga sa work area, ito naman ang nagsisilbi niyang office na bihirang gamitin bilang office ngunit madalas gamitin bilang glam room. Dito rin makikita ang kanyang mga memorabilia at mga parangal na kanyang nakamit sa pagiging Best Actress sa mga pelikula at teleserye.

Mapapansin naman ang pagkahilig ni Bea sa mga paintings at sa bawat sulok nga ng kanyang tahanan ay makikita ang iba’t ibang klase at naggagandang obra ng kanyang mga paboritong artist.
Ang living room naman sa bahay ng aktres ay napaka-cozy ng dating na bumagay naman sa tema ng bahay. Isa sa agaw-pansing nakadisplay sa area na ito ay ang regalo ng ex-boyfriend ni Bea na si Zanjoe Marudo, na nagpapaalala sa aktres ng masaya at maganda nilang pinagsamahan.

“This was gifted to me by Zanjoe Marudo before. So siyempre when we broke up I was wondering dapat ba tinatanggal ‘yung mga bagay na meron ka from your ex pero I just find it really beautiful and it reminds me of our good memories.”

Samantala, maging ang kitchen area kung saan makikita ang pagka-organized ng mga kasangkapan ay ibinahagi rin ng aktres.




Ang likurang bahagi ng kanyang bahay ay napakaganda rin, bukod nga sa malawak na lugar ay makikita rito ang iba’t ibang klaseng halaman, at may swimming pool rin. Ang lanai area naman ay ginawa niyang studio kung saan kadalasan siyang nagpi-paint kapag gusto niyang mag-relax.




Ang napakalaki at mala-mansyon sa gandang bahay ng aktres, ay nagsisilbing venue sa tuwing may gatherings ang kanyang pamilya kung kaya’t punong-puno ng masasayang ala-ala ang kanyang tahanan na nabuo kasama ang kanyang pamilya.

Sa ngayon, ay ito muna ang ipinasilip ng aktres sa kanyang napakagandang bahay. Dahil ang kanyang house tour ay may part 2 pa na dapat abangan.

House Tour (Part 1) | Bea Alonzo