Baron Geisler, Malaki ang Pinagbago Simula ng Dumating ang Kanilang Panganay na Anak: “I’ll strive harder so I can give her the best in life”

Tunay nga na sa buhay natin ay mga taong magbibigay ng pagkakataon upang mabago ang ating buhay at makapagsimulang muli. Marami na nga ang nagpatunay na ang pagbabagong buhay ay hindi pa huli sa sinumang mang nais magbago.

Katulad na lamang ng first time daddy na si Baron Geisler, na matapos masilayan ang kanyang napakacute na panganay na anak ay biglang nagbago ang kanyang buhay. Kung saan ay nagkaroon siya inspirasyon upang magbagong buhay at magsimulang muli alang-alang sa kanyang anak.




Matatandaan na ilang ulit nang nasangkot sa mga isyu at kontrobersya si Baron kung saan ay madalas napapaaway o kaya naman ay nasasangkot sa mga gulo. Ngunit, sa pagdating ng kanyang panganay na anak sa asawa nitong si Jamie Marie Geisler na si Talitha Cumi Geisler na ipinanganak noong ika-20 ng Enero taong kasalukuyan, ay bigla na lang nabago ang buhay niya at naging makabuluhan.

Ngayon nga, ay walong buwan na ang napakacute na anak ni Baron na si Baby Tali. At bilang ama nito, ay talagang proud na proud siya sa kanyang baby. Taliwas naman sa karakter niya sa mga pelikula bilang isang bad boy, ay isang hands-on daddy ang aktor sa kanyang napakacute na baby girl na talaga namang napakalambing at mahal na mahal ang anak.

At nitong nakaraang araw lamang, nang proud na ibinahagi ng aktor sa kanyang facebook account ang larawan nilang mag-ama habang karga nito ang anak. Mababakas naman sa mukha ng aktor na masayang-masaya ito sa sandaling kasama ang napakacute na si Baby Tali na nakangiti rin sa harap ng camera. Ayon naman sa post ni Baron, ay magsusumikap siya upang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang anak.

“I’m very blessed to have a very sweet and happy baby. 8 (months) and feeling great. Thank you Lord for the gift of family. I’ll strive harder so I can give her the best in life.”

Samantala, nang makapanayam naman ng Push si Baron, at pabirong tanungin kung hindi ba ito natatakot sa kasabihan na ang babaeng anak ang magiging pambayad-utang sa mga nagawang kalokohan ng ama noong binata pa ito.




Hindi naman nag-alangang sumagot agad si Baron at sinabi na nagbagong buhay na siya kung kaya’t mababago na rin ang takbo ng tadhana.

“Hahaha. Pinapakaba mo ako. Di bale, nagbagong buhay naman na ako so mag-iiba na ang tadhana.”

 

At ngayon nga na sumasailalim pa sa quarantine, ay sinasamantala ni Baron na makasama ang anak habang wala pang trabaho. Madalas ngang magkaroon ng bonding moments ang mag-ama kung saan ay pumapasyal sila sa bukid at nag-iisland hopping rin tuwing linggo.

“Making the most to spend bond with famiy. Kasi for sure pag okay na lahat tuluy-tuloy na ulit ang work. God is good. Tapos lalabas din ang ‘Tililing’ soon.”