Andrea Brillantes, Inamin ang kanyang Pagiging Kuripot Pagdating sa Luho kaya Nakapagpundar ng Sariling Bahay sa Edad na 17

Isa sa magandang pag-uugali ng mga Pilipino ay ang pagiging masinop pagdating sa pera na kung saan ang bawat salapi at perang kinikita ay inilalaan sa tama. Hindi naman maikakaila na ang ganitong pag-uugali ay malaki ang naitutulong sa ating pamumuhay upang maging matagumpay at makapagpundar ng mga mahahalagang bahay na maaari nating magamit sa hinaharap.

At isa nga sa mga sikat na artista sa showbiz na naging masinop pagdating sa pera ay ang teen star na si Andrea Brillantes. Sa murang edad ay pinasok na ni Andrea ang showbiz upang umarte sa harap ng kamera. At nang sumapit sa edad na 10 taong gulang ay nalaman na ng aktres ang kahalagaan ng perang kanyang kinikita sa mga proyekto.




“Hindi ako bumibili ng mga designer. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako bumibili ng mga designer shoes and bags. Nagsimula ang pagiging kuripot ko noong 10 years old ako. Nahirapan talaga ako. Nalaman ko ang halaga ng pera. Ang hirap-hirap pala niyang kitain. Tapos noong nagkaroon ako ng responsibility sa buong family ko, mas naging kuripot ako.”

Photo credits: Andrea Brillantes | Instagram  

Pag-amin nga ni Andrea, ay kuripot siya pagdating sa mga luho na kung saan ay inuuna muna niya ang mga mahahalagang bagay. At isa nga sa matagal niyang pinapangarap ay ang makabili ng sariling bahay para sa kanyang pamilya. Kaya naman, nang mapabilang sa teleseryeng “Kadenang Ginto” ay hindi niya pinalampas ang pagkakataon na makapag-ipon at paglaanan ang pangarap na bahay.

Photo credits: Andrea Brillantes | Instagram

Hindi naman nabigo ang aktres dahil nagbunga nga ang kanyang pagiging masinop sa pera. At sa edad na 17, ay nakapagpundar ng sariling bahay si Andrea na mula sa kanyang pagsisikap sa kanyang trabaho bilang artista.




Ang bahay na nabili ni Andrea ay sinimulang ipatayo noong Agosto 2019, at ngayon nga ay proud na proud ang aktres na ibahagi ang progress ng pinapagawang bahay sa kanyang Instagram.

Photo credits: Andrea Brillantes | Instagram

Samantala, bago pa man makabili at magpatayo ng sariling bahay si Andrea, ay ibinahagi ng aktres sa isang panayam na nangungupahan lamang sila ng mahabang panahon. Sinabi rin ng aktres na ilang beses na silang nagpalipat-lipat ng bahay ng kanyang pamilya. Dahil nga, nais ni Andrea na magkaroon ng kapanatagan ang kanyang pamilya ay nagsumikap at naging masinop si Andrea sa pera upang magkaroon ng sariling bahay. At ang ginawa niyang inspirasyon ay ang kanyang pamilya na nahihirapan sa tuwing lumilipat sila ng tirahan.

“Nagre-rent po kasi talaga kami ng bahay, ‘yong tinitirahan namin. Ilang beses na kaming lumipat, siguro mga apat na beses, tapos puro rent. Ever since noong pa-extra extra pa ako hanggang tumaas na iyong roles ko, ang lagi kong iniisip ay bahay. Nagtatabi ako ng mga ipon.”

Photo credits: Andrea Brillantes | Instagram

Kahanga-hanga naman talaga si Andrea na mas inuuna ang kanyang pamilya kesa sa pansariling luho. Sa murang edad nga ay natutunan na ni Andrea ang kahalagahan ng pera kung kaya’t naging masinop siya at ang pangarap na bahay para sa kanyang pamilya ay naisakatuparan na niya.