Alamin ang Dahilan Kung Bakit Pinili ng New Mom na si Coleen Garcia ang Water Birth Bilang Paraan ng Pagsilang

Sabi nga nila, nasa hukay raw ang isang paa ng babae kapag nanganganak. Kasabihan na siyang may katotohanan, dahil nga ang sakit at hirap ng panganganak ay hindi biro. Sa katunayan nga nito, ay may mga babae na nauuwi sa pagkasawi dahil sa hirap ng panganganak. Na kung saan sa kasamaang palad, ay hindi nila nagawang magkaroon ng maayos at ligtas na panganganak. Kaya naman, marami sa mga soon to be mom na ang tanging hiling ay maging ligtas at maayos ang kanilang panganganak.



Dahil nga, sa sobrang hirap manganak at sobrang sakit sa tuwing naglalabor, mas nais ng mga soon to be mom na maging magaan sa pakiramdam at maibsan ang hirap ang kanilang panganganak. Kaya naman, may mga alternatibong natural na paraan upang makatulong sa mga new mom na mapadali ang panganganak.

Photo credits: Coleen Garcia | Instagram

Isa na nga rito ang tinatawag na “water birth”. Ang water birth ay paraan ng panganganak sa pamamagitan ng maligamgam na tubig sa tub na maaaring gawin sa bahay, hospital at mga birthing center.

Kamakailan lamang, ay nasaksihan natin ang panganganak ng aktres na si Coleen Garcia sa pamamagitan ng water birth. At nakita nga natin na naging maayos at ligtas ang kanyang pagsilang sa napakacute niyang baby. Malaki nga ang naitulong ng “water birth” upang mas mapadali at komportable ang kanyang panganganak. Ilan rin sa mga celebrity ang nasubukan na rin ang water birth tulad na lamang nina Rica Peralejo at Kylie Padilla.
Alamin naman natin ang pros and cons ng water birth.


Pros: All natural

Ayon sa International Childbirth Education Association (ICEA), bago pa man makilala ang water birth noong 1980, ay gumagamit na umano ng natural na paraan ang Japanese, British ng warm water sa kanilang panganganak. Samantalang ang mga British naman, ay noong 1805 pa nagsimulang gumamit ng water birth.

Bakit nga ba mas recommended ang water birth bilang natural way sa panganganak. Ayon nga sa American Pregnancy Association: “it is gentler for the baby and less stressful for the mother.” Dahil nga, ang mga sanggol sa sinapupunan ay nabubuhay sa “amniotic fluid sac” sa loob ng siyam na buwan, ang mailuwal sa tubig na kanilang nakasanayan ay nakakapagdulot ng kalmado at komportable pakiramdam sa mag-ina. Nakakatulong rin ito upang mabawasan ang sakit na nararamdaman habang naglalabor. Dahil nga nasa tubig, ay malaya ring nakakagalaw ang ina sa anumang posisyong naisin niya upang mapabilis ang paglabas ng sanggol. At higit sa lahat ay nagkakaroon rin ng “skin-to-skin contact post-birth” ang mag-ina.



Samantala, kung may magandang dulot ang water birth, mayroon din naman itong masamang epekto at hindi lahat ng babaeng buntis ay maaaring gamitin ang paraan ng water birth.

Ayon nga sa UK’s Royal College of Obstetricians and Gynecologist:

“Amniotic fluid embolism could happen, where the fluid that covers a baby during pregnancy in the uterus — or fetal material such as fetal cells — enters the bloodstream of the mother. Most likely, amniotic fluid embolism may occur during childbirth or in the immediate postpartum period. This is a rare but serious condition.

Ayon naman sa American Pregnancy Association:

“The baby can inhale water after it feels tension in the birth channel, gasping for air. This would be a rare occurrence as babies usually do not inhale until they are exposed to air.”

Hindi rin rekomendado ang water birth sa mga buntis na may delikadong condition ng pangangaank tulad na lamang ng ina na sumailalim sa C-section. Mga buntis na may chronic condition tulad ng hypertension, diabetes or herpes (which is easier to spread in water.) Hindi rin ito maaari sa mga may gestational diabetes or preeclampsia.

Maging mga ina na dinadala ang sanggol sa sinapupunan na may breech position. Kabilang rin dito ang mga ina na napaaga ang panganganak kaysa sa nakatakadang oras. At huli, ay bawal rin ito sa mga ina na may 2 o higit pang sanggol na pinagbubuntis.

Anuman ang naising paraan sa panganganak, mas mahalaga paring kumonsulta sa OB-Gyne upang makatiyak ng ligtas at maayos na panganganak.