Aktres na si Ryza Cenon, Masayang Ipinasilip ang Baby Shower Para sa magiging Panganay nilang Anak ng kanyang Non-Showbiz Boyfriend

Ang aktres na si Ryza Cenon ay nakilala sa industriya ng showbiz nang maging kalahok ng pangalawang season ng reality talent competition show ng GMA na StarStruck at magwagi bilang Ultimate Female Survivor noong 2004.

Hindi nga maikakaila ang husay na ipinamalas ni Ryza sa bawat pagsubok sa naturang competition, kaya naman, magmula noon ay bumuhos ang kanyang mga proyekto at naging matagumpay ang kanyang karera bilang isang artista.




Samantala, pagdating naman sa buhay pag-ibig, ay minsan nang nabigo ang aktres sa dati nitong nobyo. Ngunit, ang sakit at pait na dulot ng dating pag-ibig ay napalitan naman ng kaligayahan nang makilala niya ang kanyang boyfriend ngayon na si Miguel Antonio Cruz, isang cinematographer.

Makikita namang masayang-masaya ang dalawa sa estado ng kanilang relasyon na mas lalo namang naging makulay dahil sa biyayang sanggol na dumating sa buhay nila na kung saan ay malapit na nilang masilayan.

Matatandaan na noong July 1 nang ianunsyo ng magkasintahan na malapit na silang maging ganap na mga magulang. Sa Instagram post na ibinahagi ni Ryza, ay makikita ang isang larawan kung saan nakalitaw ang kanyang baby bump na noon nga ay limang buwang buntis na. Hindi maikakaila na talagang excited na ang magkasintahan sa pagdating ng kanilang munting anghel.

At kamakailan lamang, araw ng Miyerkules, ika-16 ng Setyembre, nang magsagawa sina Ryza at kanyang boyfriend ng simple ngunit masayang baby shower. Sa Instagram, ay masayang ibinahagi ng aktres ang mga kaganapan sa baby shower ng kanilang baby boy.




Sa post na ito ng aktres, ay una niyang pinasalamatan ang mga sponsors at organizers na naglaan ng oras upang maging maganda at masaya ang kanilang baby shower. Hindi rin nakalimutang pasalamat ng aktres ang kanilang pamilya at mga kaibigan na nagpaabot ng pagsuporta sa kanila.

“We really enjoyed it. We appreciate all the efforts to make this possible in times of pandemic… Thank you to all our beloved families and friends who gave time to send their love to us and to our little baby boy. Thank you all & we love you guys.”

Samantala, ang boyfriend naman ng aktres na si Miguel, ay nagpost rin sa kanyang Instagram ng pasasalamat at nagbahagi rin ng mga larawang kuha sa kanilang masayang baby shower. Mababakas rin sa post nito ang excitement sa nalalapit na pagdating ng kanilang baby boy.

“Me and Ryza are both extremely grateful for all of your love and support. Thanks everyone! 9 weeks to go!”