Adrea Brillantes, Excited ng Matirhan ang Ipinapagawa Niyang Bahay na Bunga ng Kanyang Pagsusumikap

Marami sa atin ang bata pa lamang ay talaga namang nangangarap ng magkaroon ng sarili nating bahay, lalo na kung lumaki tayo na nangungupahan lamang.
Katulad na lamang ng Kadenang Ginto actress na si Adrea Brillantes, na sa kanyang murang edad noon, kung saan ay nakalakihan niya ang pangungupahan lamang ng bahay ng kanyang pamilya, ay talaga namang pinangarap na niya noon pa man ang mabigyan ang kanyang pamilya ng sarili nilang bahay.

At sa kanya ngang edad ngayon na 16-taong gulang ay malapit ng makamtan ni Andrea, ang pangarap niyang ito para sa kanyang pamilya. Ito ay dahil malapit ng matapos ang bahay na kanyang ipinapagawa, kung saan ayon sa batang aktres ay bunga ito ng kanyang pagtatrabaho sa showbiz industry, magmula noong paextra-extra lamang siya, hanggang sa nagkaroon na siya ng “big break”, at ito ay ang Kadenang Ginto.

Ayon pa sa aktres, upang makapag-ipon pa siya para sa kanyang panagrap na bahay para sa pamilya, ay mas pinili niya ang tumira sa simpleng paupahan lamang habang ipinapagawa niya ang kanilang magiging bahay.

At ngayon nga, ay malapit ng matapos ang ipinapagawang bahay ni Andrea, para sa kanyang pamilya.
Dahil excited na ang ABS-CBN star, sa nalalapit na pagtatapos ng kontstraksyon ng kanyang bahay, ay agad niya itong ipinasilip sa kanyang mga followers sa kanyang Instagram account. Kung saan noon ngang ika-30 ng Agosto ay nagbahagi siya ng munting pasilip sa kanyang malapit ng matapos na bahay.

Makikita rin na noong ika-20 ng Agosto, ay nagbahagi si Andrea ng kanyang larawan kasama ang alaga niyang aso na si Oreo, sa may bandang bahagi ng hagdanan ng kanyang tatlong palapag na bahay. Ipinakita rin ng aktres ang ilang detalye sa kung ano ang makikita sa ikatlong palapag ng naturang bahay ng aktres.

Kung atin ngang babalikan ang naging panayam noon ng “Magandang Buhay” host na sina Momshie Jolina (Jolina Magdangal) at Momshie Melai (Melai Cantiveros) noong Desyembre 2010, ay sinabi ni Andrea na ang pangarap niyang bahay, ay halos 9-years in the making.

“Dati pa lang po, nung nag-e-extra-extra pa ako, pangarap ko na talga ang magkabahay.”
“Wala din po kasi talaga kaming sariling bahay po. Lagi lang po kaming nagre-rent,” ang naging kwento nga noon ni Andrea.

Ayon pa kay Andrea, noon ngang mapabilang siya sa bida sa hit series na “Kadenang Ginto”, ay doon talaga siya naka-ipon para sa magiging pagpapagawa ng bahay na pangarap niya.

“Gusto ko talaga yung subdivision na ito, kaso dati, wala pa akong cha-ching [pera] at wala pa akong show.
“So, sabi ko wag na. Pero nung nagkaroon ng Kadenang Ginto, naisip ko, baka naman kaya ko na,” saad ng aktres.

Ang bahay ngang ito ng batang aktres ay isang modernong bahay, kung saan ay mayroon itong tatlong palapag at anim na silid tulugan na para sa kanyang mga kapamilya.
Makakasama ni Andrea, sa bahay niyang ito ang kanyang lola, ang kanyang ina at mga kapatid, kaya naman talagang nilaanan niya ang mga ito ng kani-kanilang mga silid.

Ibinahagi rin ng batang aktres, na noon pa man ay pangarap na niya ang magkaroon ng attic room, sakaling magkaroon siya ng sarili niyang bahay. Kaya naman sa kanyang bahay ngayon ay talagang nakalaan para kay Andrea ang buong ikatlong palapag ng kanyang bahay, kung saan dito makikita ang kanyang silid at magiging walk-in closet.

Matatandaan na si Andrea Torres ay nagsimula sa showbiz ng siya ay 4-taong gulang lamang, at mas lalo pa siyang naging laman ng telebisyon ng siya ay nasa 7-taong gulang na.
Malaki naman ang naging pasasalamat ng aktres sa seryeng “Kadenang Ginto”, dahil sa ang proyekto niyang ito ang naging daan upang matupad ang pangarap niyang bahay para sa kanyang buong pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *