You Will Always Be Our First Daughter”; “You are not Alone” Mensahe ni Sharon Cuneta Para sa Anak na si KC Concepcion

Para sa isang anak, ay mahirap talagang tuluyang tanggapin at may naiiwan parin talagang pagdaramdam kung ikaw ay mapupunta sa sitwasyon na ang mga magulang mo ay kailangan ng maghiwalay at mag kanya-kanya na kasama ang sari-sarili nilang pamilya.

Tulad na lamang ng aktres na si KC Concepcion na hanggang ngayon ay dinaramdam pa rin umano ang pagkakaroon niya ng hiwalay na magulang.
Nito lamang ika-12 ng Agosto, ay ibinahagi ni KC sa Instagram ang naging pranayam sa kanya ni Lichi-Cruz Valdes, kung saan ay teaser pa lamang ito para sa “Usapang Real Life”, isang TV program ng TV5 na magsisimula ng i-ere ngayong ika-15 ng Agosto, araw ng Sabado.

Sa teaser ng panayam, mararamdaman na hanggang ngayon ay dinaramdam pa rin ni KC ang naging paghihiwalay ng kanyang mga magulang.
Makikita nga sa video, habang nagki-kwento ang 35-taong gulang na aktres, patungkol sa pagkakaroon ng sari-sarili pamilya ng kanyang mga magulang na sina Sharon Cuneta, 54-taon at Gabby Concepcion 55-taon, ay hindi nito mapigilan ang maiyak.

“Mama ko kasi, she has her own family. My papa also has his own family.”

“They’re both married, they both have children with their husbands and their wives.”

“Ako lang kasi yung nag-iisang anak nila na silang dalawa, so meron akong complex na gusto ko silang gawing proud sa akin.”

“Gusto ko may mga gagawin na ikaka-proud nila. Gusto ko lang na maging proud sa akin.”

Ito ang naging pahayag ni KC sa naging panayam sa kanya.

Ilang oras naman ang lumipas, ay makikita sa Instagram na may-post na rin si Mega Star Sharon Cuneta, at ito ay ang kanyang reaksiyon at mensahe para sa naging pahayag ng kanyang panganay na anak na si KC.

Sa mensahe ni Sharon, ay sinabi nito na hindi kasalanan ng anak, ang magkaroon ng hiwalay na mga magulang.
Bilang isang ina, nanaisin daw ni Sharon na maibalik ang nakaraan, hindi man para iwasan ang naging paghihiwalay nila ni Gabby ngunit para sana noon pa man ay naprotektahan niya si KC.
Mababasa rin sa mensahe ni Sharon na kahit kailan ay hindi mababago ang katotohanan na minsan ay naging buong pamilya sila noon. Na noon ay nangarap rin sila ni Gabby na magkaroon ng maraming mga anak, upang hindi sana nag-iisa ang anak nilang si KC.

“Papa and Mama will love you forever. You will always be our first child, the first who made us parents.”

“If you’d had a brother, did you know that Papi would’ve name him Gavin? And your Mama of course, would’ve insisted on another name or two for him. Just like you. {sparkling emoji}”

“You are not alone. If anything, there’s more on us on both sides for you”.

Ito ang naging mensahe ni Sharon para sa kanyang anak na si KC. Kalakip rin ng mensaheng ito ay isang family picture nila noon, kung saan ay karga ni Sharon si KC at kasama nila sa larawan si Gabby at ang ama nitong Rollie Concepcion.

Batid natin na si KC Concepcion o Maria Kristina Cassandra Cuneta Concepcion, ay ang nag-iisang anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion noong sila ay mag-asawa pa.
Matatandaan na noong 80’s, isa sa pinakasikat na reel-life loveteam sina Sharon at Gabby. Sila ay dalawang beses ikinasal, at una nga rito ay ang naging sikreto nilang pagpapakasal sa isang civil wedding na ginanap noong ika-23 ng Hulyo taong 1984.

Ang naging pangalawang kasal naman ng dating mag-asawa ay ginanap noong ika-23 ng Setyembre taong 1984 sa Manila Cathedral, kung saan ito ay isa sa pinaka-engrandeng kasalan na ginanap noon.

Bata pa lamang sa edad na 18-taon si Sharon, at 19-taon naman si Gabby ng magpakasal ang dalawa. Ipinanganak naman ang nag-iisa nilang anak na si KC noong ika-5 ng Abril taong 1985.
Matapos nga ang tatlong taon ng kanilang pagpapakasal, kung kailan tatlong taong gulang pa lamang ang anak nilang si KC ay nauwi na sa paghihiwlay ang pagsasama ng mag-asawa.

Taong 1993 ng tuluyan ng ma-annul ang kasal nina Gabby at Sharon, at noon ngang ika-28 ng Abril taong 1996 ng magpakasal naman si Mega Star sa kanyang asawa ngayon na si Senator Kiko Pangilinan.

May tatlong kapatid si Kc Concepcion sa pamilya ng kanyang ina ngayon, dahil tatlo ang naging anak ng mag-asawang Sharon at Kiko, ito ay sina Franckie, Miel at Miguel.
Samantala sa ama naman niyang si Gabby ay may apat ring kapatid na babae si Kc, at ang mga ito ay iba’t iba ang ina. Ito ay sina Garie Concepcion, (31) anak ni Gabby sa dating partner nito na si Grace Ibuna, Cloie Syquia-Skarne (25) anak naman ito ni Gabby sa dating asawang si Jenny Syquia at ang magkapatid na Samantha at Savannah, na anak ng aktor kay Genevieve Yatco Gonzales, ang asawa ngayon ni Gabby Concepcion

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *