Tingnan: Viva Artista Na! Ang Gwapong Anak ni Jericho Rosales na si Santino

Hindi maitatanggi na tulad ng Aktor na si Jericho Rosales ay may angking kakisigan at karisma rin ang anak nitong si Santino Rosales, kaya naman marami ang nag-aabang na maging isa rin itong magaling na aktor tulad ng kanyang ama.

Si Santino Rosales ay 20-taong gulang na binata na may taas na six-footer. Siya ay ang gwapong anak ng award-winning-actor Jericho Rosales sa nobya nito noon na dating modelong si Kai Palomares.

Sa edad na 17-taong gulang, ay nagsimula na si Santino na sundan ang yapak ng kayang ina sa pagmomodelo. Ngayon nga ay isa na siyang professional runaway model at kabilang na rin siya sa mga miyembro ng Professional Models Association of the Philippines.

Isa naman sa namana ni Santino na hilig ng kanyang amang si Jericho, ay ang pagkahilig nito sa surfing.

Maliban dito ay mahilig din ang binata sa paglalaro ng foorball, sa katunayan ay isa siyang player ng isang professional football team at ito ay ang Kaya Futbol Club.
Noong taong 2017 ay napabilang si Santino sa mga listahan ng “Meet the Guys You Shoukd Be Crushing on This Year” ng Candy Magazine.

Bago naman nagkaroon ng coronavirus pandemic ay nagbukas ng negosyo ang mag-inang Santino ay Kai, ito ay ang restaurant business nila na KAISANT Skews & Brews, na matatagpuan sa Paraṅaque.

Hindi pa man plano ni Santino ang maging isang aktor, ngunit pangarap ng binata na palawakin pa ang kanyang karera sa pagmomodelo, magkaroon ng mga product endorsement at nais rin nitong maging isang host.

At ngayon nga ay ganap ng Viva Artist si Santino Rosales, kaya naman hindi imposible na matupad na ang kanyang pangarap na mas gumaling pa sa pagmomodelo at maging isang magaling at popular na host.

Matapos nga ang naging mainit na pagtanggap ng Viva Artists Agency kay Diego Loyzaga, nito ngang ika-12 ng Agosto mga bandang hapon ay si Santino Rosales naman ang ipinakilala bilang contract artists ng nasabing talent management agency.

Kahit pa isa ng Viva Artists talent na si Santino, ay priyoridad pa rin umano ng binata ang kanyang pag-aaral. Sa ngayon ay estudyante si Santino ng Interdisciplinary Business Studies sa De La Salle University.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *