Marami ang napa-Sana All ng ibahagi ni Brian Gazmen, na siya at ang dating The Voice Kid Grand Champion na kapwa singer na si Elha Nympha ay in a relationship na.
Nito ngang ika-17 ng Agosto, araw ng lunes sa kanyang Instagram ay ibinahagi ng binatang singer na si Brian ang ilang mga selfie pictures ni Elha Nympha, kung saan ay tila kuha ito mula sa mga video calls nilang dalawa habang naka-quaratine.
Sa kanya ring Intagram post, ay ibinahagi ni Brian kung gaano siya kasaya na dumating sa kanyang buhay ang girlfriend niya ngayon na si Ehla Nympha. Ayon sa binata, mula ng maging nobya niya ang kapwa singer, ay marami ang nabago sa kanya, at isa na dito ang pagiging isang mas mabuting tao.
Dahil nga sa pagkakaroon ng quarantine, ay bihir na muna ngang magkita sina Brian at Ehla ng personal, na kung saan ayon sa binata ay nakaka-miss naman talaga. Kaya naman nagpapasalamat siya na kahit papano sa tulong ng mga makabagong teknolohiya tulad ng pag-gamit ng cellphone at mga video call apps ay nakikita niya ang nobya, at naiibsan nito ang pagka-miss niya sa dalaga na isa sa nagpapasaya sa kanya.
Ayon pa nga kay Brian, kahit ano ang mangyari ay susuportahan niya ang kanyang “Baby” [tawag ni Brian kay Ehla].
Sa kabilang banda naman, ay makikita rin sa Instagram ni Ehla ang naging pagbabahagi nito ng isa niyang larawan kung saan ay suot-suot niya umano ang t-shirt ng kanyang boyfriend.
“Used my man’s shirt UGGGHHHH”,
ang saad nga ni Ehla sa kanyang post.
Mababasa naman na nagreply ang boyfriend nito na si Brian sa post, kung saan ay sinabi nito na;
“Awwwwww. I love you so much baby.
You are the best.
Marami namang mga tagahanga ng Kapamilya singer na si Ehla Nympha ang napa-Sana all sa naging pagbabahagi na ito ni Brian ng kanilang relasyon.
Matatandaan naman na noong nakaraan lamang, ay naging viral online si Ehla ng ibahagi niya sa publiko ang malaking pagbabago sa kanyang pangangatawan dahil sa “super diet” na kanyang ginawa.
Si Ehla Nympha ay nag-umpisang makilala sa showbiz noong taong 2015, kung saan siya ay itinanghal na Grand Winner ng The Voice Kids, at doon na nagsimula ang kanyang magandang singing career.
Samantala, ang boyfriend naman nito na si Brian Gazmen, ay isa ring singer kung saan taong 2018 ng pumirma ito ng kontrata sa ABS-CBN record label na Star Magic.
Sigurado naman, na marami sa mga tagahanga ni Ehla ang masaya para sa lovelife na mayroon ngayon ang iniidolo nilang singer.