Tingnan: Julia Baretto, Mas Nabigyan ng Panahong Ma-Enjoy Ang Kanyang Sariling Bahay ng Magkaroon ng Lockdown

Naninirahan na ngayon ang aktres na si Julia Baretto sa sarili niyang bahay na kanyang naipundar bilang isang artista. “I really worked hard for it”, ayon nga sa aktres.


Nitong nakaraan nga lamang ay nagkaroon ng pagtutulungan ang Star Magic at Metro.Style, kung saan ay naging tampok nila ang labing-limang artista mula sa ABS-CBN talent management, kung saan ay nagbahagi ang mga ito ng kani-kanilang mga estorya patungkol sa kanilang naging layunin, pag-asa at pagmamahal sa kabila ng pagsubok na pinagdaraanan nating lahat ngayon dahil sa pandemic Covid-19.

Isa nga sa mga artista na napabilang rito at nagbahagi ng kwentong may inspirasyon ay ang aktres na si Julia Baretto, kung saan ay ibinahagi ng 23-taong gulang na aktres ang ilang mga bagay na kanyang na-realize sa panahon ng lockdown.

Ayon kay Julia, noong panahon ng lockdown at stay-at-home ang marami sa atin, ay na-realize niya kung gaano siya kasaya, habang siya ay nasa kanyang sariling tahanan. At kung gaano ba katotoo ang sinasabi ng marami sa atin na “home is where heart is”.

Dagdag pa ni Julia, ng mga panahon ng lockdown at siya ay nasa kanyang bahay masasabi niya na ito ang unang pagkakataon na mas na-enjoy niya ang bagay na talagang kanyang pinagtrabahuan sa loob ng ilang taon sa industriya ng showbiz. Dahil sa sobrang abala niya noon sa kanyang trabaho at lagi siyang wala sa kanyang bahay, ay hindi niya napansin at na-appreciate agad ito.


Matatandaan na taong 2019, ng lumipat ang aktres sa kanyang sariling bahay, kung saan ay halos malapit lang din ito sa tahanan ng kanyang inang si Marjorie.

Samantala, isa naman sa mga kahanga-hangang ginawa ni Julia noong quarantine, ay ang ipinagawa nitong quarantine facility para sa mga frontliners, kung saan ay naging katulong niya sa paglangap ng pondo ang kanyang mga kapatid.

Ang emergency quarantine facility na ipinagawa ni Julia Baretto sa tulong ng kanyang mga kapatid at iba pang nagbigay donasyon para rito ay dinesenyo ng WTA Design Studio, kung saan ito ay may laking 6×26 metro na mayroong labin-limang kama at dalawang banyo.

Ito ay matatagpuan sa Fel Del Mundo Medical Center, at binuksan noon buwan ng Abril.

Ayon nga sa aktres ang quarantine facility na kanilang ipinagawa, ay tulong para sa mga fronliner na hindi nagagawang makauwi sa kani-kanilang mga tahanan, dahil sa iniiwasan ng mga ito na ma-expose ang kanilang pamilya at ibang tao na maari nilang makasalmuha.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *