Tingnan: Anak ni Jennelyn Mercado na si Alex Jazz, Masayang Ipinagdiwang ang Kaarawan sa Kabila ng Pagkakaroon ng MECQ

Sa kabila ng pagkakaroon ng modified enhanced community quarantine dahil sa patuloy na paglaganap ng COVID-19 pandemic, ay hindi naman ito naging hadlang upang hindi maipagdiwang ang kaarawan ng anak ng aktres na si Jennelyn Mercado.

Masaya ang naging pagdiriwang ng kaarawan ni Alex Jazz (anak ni Jennelyn), kasama ang kanyang ina sa kabila ng MECQ sa kanilang lugar.
Ibinahagi naman ng aktres, ang naging selebrasyon nila ng kaarawan ni Alex Jazz, kung saan ay kasama nilang nagdiwang sa spesyal na araw ng kanyang anak ang kanyang nobyo ngayon na si Dennis Trillo.

Makikita sa Instagram account ni Jennelyn Mercado, ang mga larawan na kuha sa naging selebrasyon ng kaarawan ng kanyang anak na si Alex Jazz kung saan ay masayang ngiti ng birthday boy, kalakip ng mga larawan na ito ay ang mensahe ni Jen para sa anak at ang pasasalamat nito para sa kanyang nobyong aktor.

“My sweet and precious birthday boy, couldn’t have asked for a better birthday surprise. Thank you @dennistrillo for channeling your inner Blippi,” saad ng aktres.
“I love you Jazzy”, ang napakatamis na mensahe pa ni Jen para sa anak.

Batid ng marami sa atin ni si Alex Jazz, ay anak ni Jennelyn sa kanyang dating nobyo na si Patrick Garcia.

Marami naman ang nagbigay ng kanilang komento ng pagbati para sa kaarawan ng anak ni Jennelyn Mercado na si Jazz, at isa na sa mga ito ay ang naging pagbati ni Nikka Garcia, ang asawa ngayon ni Patrick Garcia.

Isang mensahe na “Happy Birthday”, ang komento ni Nikka para kay Alex Jazz, na anak ng kanyang asawang si Patrick kay Jennelyn.
Ang mga magulang ni Alex Jazz na sina Jennelyn Mercado at Patrick Garcia, ay pareho ng masaya sa kani-kanilang buhay pag-ibig ngayon.

Si Patrick Garcia ay tatlong taon ng kasal sa kanyang asawang si Nikka Garcia, at ang kanilang masayang pagsasama ay nabiyayaan na ng tatlong mga anak na babae na sina, Chelsea, Patrice, at Francisca Pia.

Samantalang ang aktres naman na si Jennelyn, ay masayang muli sa kanyang relasyon sa nobyong aktor na si Dennis Trillo, matapos nilang magkabalikan ng sila ay maghiwalay noong taong 2011.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *