Nitong nakaraan lamang ika-12 ng Agosto taon ng kasalukuyan, araw ng Miyerkules ay nabangga ng isang tricycle ang sports car ni Daniel Padilla, kung saan ay ang aktor mismo ang nagmamaneho.
Sa may kahabaan nga ng West Fairview, Quezon City, habang nagmamaneho ang aktor, ay isang tricycle umano ang sumalpok sa likurang bahagi ng sasakyan nito. Isang netizens naman ang nakasaksi ng pangyayari, kung saan ay nakita nito kung gaano kahinahon na ini-handle ni DJ ang sitwasyon at imbes daw na magalit ang 25-taong gulang na aktor sa driver na nakabunggo sa kanyang mamahaling sasakyan ay nagbigay pa umano ng pera si DJ sa tricycle driver.
Ayon nga kay Reynaldo Duron, ang netizens na nakasaksi sa pangyayari ay, “ SOBRANG BAIT NI DANIEL PADILLA, SIYA NA NABANGGA SIYA PA NAGBAYAD SA TRICYCLE.” Ta*na ang gwapo.”
Kalakip nga nito ay ibinahagi rin ni Reynaldo ang video, kung saan ay makikitang nag-uusap ang aktor at tricycle driver. Makikita sa video kung gaano kahinahon si Daniel habang kausap ang driver ng tricycle na nakabangga sa kanyang sasakyan.
Bumuhos naman ang samu’t saring mga papuri mula sa mga tagahanga at netizens sa aktor, dahil sa kabutihan at pagiging kalmado nito sa insedenteng kanyang kinasangkutan. Sinabi naman ng mga KathNiel Fans sa kanilang twitter account na ang kanilang idolo ay talaga namang “best guy”.
Agad namang nag-trending sa social media ang pangalan ng aktor na “Daniel Ford”, dahil sa dami ng mga netizens at tagahanga ng aktor na talaga namang naging proud sa ginawa ng kanilang idolo.
Ang ina naman ni Daniel na si Karla Estrada ay nagtweet agad pagkagabi matapos ang insedente, upang sabihin sa mga tagahanga at tagasuporta ng aktor na maayos naman si Daniel at kaunting gasgas lang ang tinamo ng sasakyan nito. “Guys ok si DJ. Kaunting gasgas lang sa sasakyan.” “At syempre everybody happy! No Problem! Tuloy ang Buhay!, saad pa nga ni Monshie Karla.
Para naman sa netizens na nag-upload ng video ng insidente ay simpleng “salamat” naman ang naging mensahe ng ina ni Daniel.
Daniel Padilla nabanga ng tricycle yung sasakyan niya sya pa nag bigay ng pera sa tryk driver. what a good samaritan. pic.twitter.com/HlzRaTOpwJ
— jαy-αя вαgαmαησ™ (@JayarBagamano) August 12, 2020