Sofia Andres at Boyfriend nitong si Daniel Miranda, Pinasok na rin ang Mundo ng Vlogging

Sino ba naman ang hindi maaaliw sa mga videos ng mga mahuhusay at sikat na vlogger sa Youtube? Tila nga sa dami ng mga vlogger, ay halos ang kanilang mga videos na ang laman ng mga social media platforms. Talaga namang patok na patok ngayon ang pagba-vlog na may nakakaaliw na content kung saan ay nagbibigay saya at kaligayahan sa mga manonood.




At ilan nga sa mga celebrities ay may sarili na ring Youtube Channel kung saan mapapanood ang kanilang mga vlog. May ilan na solo, may ilan namang pampamilya at may ilan namang mag-couple ang tampok sa kanilang mga Youtube Channel.

Sa mga vlog, kadalasang ibinabahagi ng mga celebrity vlogger ang mga masasayang kaganapan sa kanilang buhay. Ang ilan nga ay upang magbigay saya sa mga manonood at upang maging updated ang kanilang mga tagahanga sa mga kaganapan sa kanilang buhay.

Photo credtis: Sofia Andres | Instagram

Ang couple nga na sina Sofia Andres at Daniel Miranda ay pinasok na rin ang mundo ng vlogging at magkakaroon na rin ng kanilang sariling Youtube Channel upang magbigay saya at update sa kanilang mga tagahanga.

Photo credtis: Sofia Andres | Instagram

Matatandaan na isinikreto ng aktres na si Sofia Andres ang kanyang pagbubuntis at panganganak sa anak nila ni Daniel na si Zoe. Ngunit, tila handa na ngayon ang dalawang buksan sa publiko ang mga kaganapan sa buhay nila dahil nalalapit na ngang i-launch ang kanilang Youtube Channel.




At noong July 27 nga, inanunsyo nila sa Instagram ang kanilang kauna-unahang vlog ay malapit ng mapanood sa kanilang Youtube Channel.

“Dan and I are finally doing YOUTUBE VLOGS FOR YOU. THIS IS IT! Watch out for our very first video and get to know more about us.”

Dahil nga, unang vlog nila pareho, hindi maitago ang kanilang nararamdamang kaba at excitement. Ngunit sa kabila ng nararamdamang kaba, ang tanging hangad nila ay makapagbigay ng saya sa kanilang mga tagahanga.

“I hope you guys will like it. I know that you’ve been requesting for us to do YouTube but it took us forever to finally decide. We love you all.”

Photo credtis: Sofia Andres | Instagram

Ang kanilang Youtube Channel nga ay pinangalanan nilang “Daniel and Sofia”. Tiyak naman na marami na sa kanilang mga tagahanga ang excited nang mapanood ang kanilang mga video.

Photo credtis: Sofia Andres | Instagram

Noong June 21, 2020 nahayag sa publiko ang pagiging isang ganap na ina ni Sofia sa anak nila ng boyfriend niyang si Daniel, isang car racer. At doon na nga nagsimulang pagtuunan ng pansin ng publiko ang buhay nila. At ngayon nga, ay masaya ang magkasintahan na buksan ng tuluyan ang buhay nila sa publiko.

GET TO KNOW MORE ABOUT US!!! | SOFIA ANDRES & DANIEL MIRANDA