Connect with us

Entertainment

Silipin ang Panandalian Ngunit Masayang Bakasyon ng Magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa Batangas

Published

on

Ang aktres na si Kathryn Bernardo ay may napakaganda at kaakit-akit na mukha dahilan upang mas lalo pa siyang hangaan ng publiko at ng kanyang mga tagahanga. Isa nga siya sa itinuturing na may pinakamagandang mukha sa industriya ng showbiz. Hindi rin naman maikakaila na maliban sa angking kagandahan ay kahanga-hanga rin ang kanyang talento sa pag-arte. Mas lalo ngang nakilala si Kathryn ng publiko sa tambalan nila ng aktor at kanyang real-life boyfriend na si Daniel Padilla na talaga namang nagbibigay kilig sa kanilang mga tagahanga.




Ngunit, dahil sa nararanasang pandemya ngayon sa bansa at pagsasara ng kinabibilangang TV Network na ABS-CBN ay pansamantalang natigil ang trabaho ng aktres sa telebisyon bilang artista. Sa kabilang banda, ay hindi naman nawalan ng raket ang aktres dahil hindi naman natigil ang kanyang mga endorsement.

Pinasok na rin ni Kath ang mundo ng vlogging at gumawa na rin siya ng sarili niyang Youtube Channel kung saan mapapanood ang kanyang mga vlog. Isa nga ang vlogging sa pinagkakaabalahan ni Kath upang makapagbigay ng update sa kanyang mga tagahanga ng mga kaganapan sa buhay niya kahit wala sa harap ng camera.

At kamakailan nga, tampok sa latest vlog ni Kath ang panandaliang bakasyon sa Batangas kasama ang nobyong si Daniel Padilla. Ibinahagi nga ni Kath ang simula ng kanilang byahe patungo sa isang napakagandang resort sa Batangas. Kapansin-pansin rin na kasama ni Kath ang kanyang mga alagang aso sa kanilang bakasyon. Walang duda na talagang malaki ang pagmamahal ng aktres sa mga aso. Makikita na enjoy na enjoy sa kanilang biyahe ang magkasintahan.




Samantala, bago tuluyang magtungo sa resort ay dumaan muna sila sa isang facility kung saan nagsasagawa ng test upang matiyak na ligtas sa sakit na COVID-19. At matapos lumabas ang resultang negative ay agad na silang nagtungo sa napakagandang resort.

Pagdating sa nasabing resort ay ibinahagi ni Kath ang ganda ng lugar at nakakarelax na ambience. Kaya naman, makikita na maagang nag-exercise si Kath at mas lalo itong ginanahan sa pagwowork out dahil sa hatid na ganda ng tanawin. Makikita kasi sa resort ang swimming pool at may makikita ring lagoon.

Samantala, ay may challenge umano ang magkasintahan sa isa’t isa na kung saan ay hindi sila kakain ng karne sa loob ng ilang araw at tanging isda lamang ang kanilang kakainin. Ito nga ay upang magkaroong ng healthy lifestyle na napakahalaga ngayong panahon upang mapanatiling malusog ang pangangatawan.

Ibinahagi rin ni Kath sa kanyang vlog ang kanyang photoshoot sa isang clothing line kung saan makikitang enjoy na enjoy siya sa kanyang ginagawa at lutang na lutang naman ang kanyang kagandahan sa bawat suot na damit. Kasama rin ng aktres sa naturang photoshoot ang kanyang alagang aso na si Tala. Hindi rin nakalimutang magpasalamat ng aktres sa kanyang mga nakatrabaho sa photoshoot nang araw na iyon.

 

error: Content is protected !!