Talaga nga namang puno ng hiwaga ang hatid na kagandahan ng kalikasan sa ating mundo. Dahil may mga kaganapang nagaganap sa kalikasan na ang hatid ay magandang tanawin at bihirang masilayan. Hindi mo aakalakin na may isang mala-paraisong lugar pala ang makikita sa ating mundo dahil sa hatid nitong ganda.
Ngunit, hindi lahat ay maswerteng nakakaranas na masaksihan at masilayan ng napakagandang tanawin at mala-paraisong lugar ito. Tulad na lamang ng isang napakagandang liwanag na nagmumula sa kalangitan na tinatawag na Aurora Borealis o Northern lights na matatagpuan sa bansang Iceland, Norway at Finland.
Iilan lamang nga ang may kakayahang makarating sa mga nasabing bansa upang saksihan ang kamangha-manghang ganda ng tanawin na dulot ng kalikasan. At ilan nga sa mga kilalang artista sa industriya ng showbiz ang maswerteng nakarating sa mga lugar kung saan nagpapakita ang Northern lights. Kaya naman, ang masaya at hindi makakalimutang karanasan sa buhay nila ay maituturing na dream come true. Silipin ang kanilang masayang karanasan matapos masaksihan ang kahanga-hangang ganda ng Northern lights.
Joey De Leon
Kasama ng Eat Bulaga host na si Joey de Leon ang kanyang pamilya nang masaksihan ang ganda ng Northern lights sa Lapland, Finland.
Alden Richards
Sa bansang Iceland sa Reykjavik, naman nagtungo ang Kapuso actor na si Alden upang masaksihan ang napakagandang Northern Lights.
Maine Mendoza
Hindi man nakita ng malapitan ni Maine ang ganda ng Northern Lights, mapalad pa rin siyang masilayan ito sa bintana ng sinasakyan niyang eroplano.
Michael V
Ang masaksihan ang Aurora Borealis ay isang memorable moment para kay Michael V dahil kasama niya ang kanyang pamilya ng mga sandaling iyon.
Kris Bernal
Maswerte namang nasilayan ni Kris Bernal ang ganda ng Northern Lights matapos niyang sadyaing puntahan ang lugar kung saan ito nagpapakita. Dream come true nga ito para kay Kris dahil ito ang kanyang dream place.
Dennis Trillo at Jennylyn Mercado
Ang celebrity couple ay nagtungo sa Finland upang saksihan ang ganda ng Northern Lights nang magkasama.
Kim Chiu at Xian Lim
Talagang napakaromantiko ng sandaling magkasama ang magkasintahan habang pinagmamasdan ang napakagandang tanawin na hatid ng Northern Lights.
Jessica Soho
Masayang-masaya naman si Jessica Soho sa kuha ng larawan ng magtungo ang kanyang team kung saan nagpapakita ang Northern Lights. Ito nga ay para sa episode nila ng KMJS.
Raffy Tima at Mariz Umali
Ang mag-asawang Kapuso reporter naman ay hindi sinayang ang pagkakataong magpakuha ng larawan nang sandaling lumitaw ang Northern Lights.
Kyla at Pamilya
Memorable rin para sa singer na si Kyla ang masilayan ang ganda ng Northern lights kasama ang kanyang pamilya.
KathNiel
Ang real life couple na KathNiel ay nasaksihan rin ang ganda ng Northern lights matapos nilang magbakasyon sa Iceland.
Ang ganda nga ng tanawin na hatid ng Northern Lights ay may kahulugan na:
“The Northern Lights are actually the result of collisions between gaseous particles in the Earth’s atmosphere with charged particles released from the sun’s atmosphere.”