Silipin ang Honeymoon nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa Napakagandang Isla ng Amanpulo, Palawan

Delayed man, pero natuloy din ang pinakahihintay na honeymoon ng mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.


Hindi naging lihim sa marami sa atin na hindi naging madali ang naging kwento ng pag-iibigan nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, ito ay dahil sa hindi pagsang-ayon ng mga magulang ng singer-actress sa pakikipagrelasyon niya sa aktor.

Ngunit kahit pa nga ba hindi sang-ayon ang mga magulang si Sarah sa relasyon niya kay Matteo, ay ipinaglaban pa rin ng dalawa ang kanilang pagmamahalan, hanggang silang dalawa nga ay nagdesisyon ng magpakasal.

Kung atin namang matatandaan ay naging simple lamang ang kasal nina Sarah at Matteo na ginanap noong February 20, 2020, ngunit ito ay naging kontrobesyal.
Samantala, hindi man isang engrandeng kasal ang naging pagpapakasal ni Matteo at Sarah, ay makikita sa dalawa kung gaano sila naging kasaya sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa matapos ang kanilang kasal.

Ngunit may isang bagay ang hindi nagawa ng dalawa matapos ang kanilang kasal, at ito ay ang honeymoon na kung saan ay dapat na ipinagdiriwang ng mag-asawa pagkatapos na pagkatapos ng pagpapakasal nila.

Sa kaso nina Matteo at Sarah, hindi agad sila nakapag-honeymoon matapos ang kanilang kasal, dahil sa busy schedule ng dalawa at ng matapos naman ang kanilang mga tinatrabaho at handa na sana para maghoneymoon ay saka naman nagkaroon ng lockdown, sa iba’t ibang bansa dahil sa kumalat na pandemic na Covid-19.


Hanggang nitong kamakailan lamang, ay nakagawa ng paraan ang kaibigan nina Matteo at Sarah na si Dra. Vicki Belo na kung papaano maipagdiriwang ng dalawa ang kanilang pinakahihintay na honeymoon.

Nito ngang nakaraan lamang, ay naging viral sa social media ang masayang honeymoon nina Sarah at Mateo na sa wakas ay natuloy na, at ito nga ay sa napakagandang isla ng Amanpulo, Palawan.
Marami naman sa mga tagahanga at tagasuporta ng mag-asawa, ang nag-aantay ng iba pang mga larawan ng dalawa na kuha sa kanilang honeymoon.

Sa social media account naman ng mag-asawa ay may ilang mga larawan na ang mga ito na kuha mula sa kanilang honeymoon sa Amanpulo ang kanilang ibinahagi, kung saan ay makikita sa mag-asawa ang labis-labis nilang kaligayahan sa naging bakasyon at pamamasyal nila sa magandang isla.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *