Kasalukuyang nasa Amerika ngayon ang aktres na si Ruffa Mae Quinto, kung saan ay kasama rin niya rito ang kanyang asawa at anak. Ito ay matapos niyang ma-lockdown dito dahil sa pandemic. Ayon sa aktres, “Miss na miss ko na ang Pilipinas”, pero dahil ngayon na may pamilya na siya ay mas uunahin niya ang kapakanan ng kanyang asawa at anak, kesa sa sarili niyang kagustuhan na umuwi sa sarili niyang bansa.
Sa isang ekslusibong panayam ng PEP.ph sa aktres noong Lunes, August 3 (Philippine time), ay ibinahagi ng aktres ang mga naging pag-aadjust niya sa buhay sa Amerika, matapos niyang malockdown doon.
Ang asawa ni Ruffa Mae Quinto na si Trevor Magallanes ay ipinanganak at lumaki sa Amerika. Kaya naman mula ng sila ay maging mag-asawa ay naging gawain na niya ang magpabalik-balik sa dalawang bansa (Pilipinas at Amerika).
Dahil ang trabaho ni Ruffa ay nasa Pilipinas at ang asawa naman niya ay nasa Amerika ang trabaho ay naging LDR ang relasyon ng mag-asawa. Kaya’t ang nangyayari ay madalas ding nasa Amerika si Ruffa kasama ang kanilang anak.
Pero hindi inakala ng komedyanteng aktres, na ngayon ay matatagalan siya bago makabalik ng Pilipinas, kung saan ay nais pa rin niyang ipagpatuloy ang kanyang pagiging isang artista.
Ayon pa nga sa aktres noong January ay nakauwi pa siya ng Pilipinas kasama ang kanyang anak na si Athena, kung saan ay halos dalawang Linggo lang silang nanatili sa bansa at bumalik na naman patungo sa Amerika.
Dahil sa pagkakaroon ng pandemic saan mang panig ng mundo, at maging sa California ay mayroon na ring naitalang kaso ng COVID-19 ay nagpatupad ang nasabing bansa ng “shelter in place” o stay-at-home protocol. Kaya naman hindi na nakabalik pa sa Pilipinas si Ruffa, at aminado siya na talagang nanibago siya noong unang lockdown sa Amerika.
Ibinahagi rin ni Ruffa sa naging panayam sa kanya ang naging lover story nila ni Trevor, at kung ano ang mga nadiskubre niya pa sa pag-uugali ng asawa habang matagal silang nagkakasama sa Amerika dahil sa lockdown.
“On-Time” Pagkakakilala ni Trevor at Ruffa
Para sa aktres ay perfect timing ang naging love story nila ng kanyang asawang si Trevor.
Kung kelan umano, tila nararamdaman na ng aktres na nais na niyang lumagay sa tahimik at magkaroon ng pamilya, ay sakto namang nakilala at dumating sa buhay niya si Trevor.
Nakilala ni Rufa Mae, si Trevor ng minsang magbaksyon noon ang aktres sa Amerika.
Tandang-tanda pa umano ng aktres ang araw kung kailan sila nagkakilala ni Trevor, ito ay noong January 9, 2016 kung saan ay scheduled na ng departure niya pabalik sa Pilipinas.
“Tapos ang ending, bago ako umalis, nakilala ko siya.”
“Pinakilala lang siya sa akin. Nag-face time kami, ta’s parang di ko pinansin.”
“Minsan nagtext siya. Sabi niya, siya daw yung ganito, ganun. ‘Nung nagyaya siya na magkita, umoo lang ako. Sige dinner.”
Hindi na Nagpaligoy-ligoy Pa
Ayon nga kay Rufa, tila instant attraction ang naramdaman nila ni Trevor sa isa’t isa.
“Walang paligoy-ligoy, e. Sincere lang. Basta naramdaman niya na lang.
“Tsaka panahon na, 37 na ako nun e.”
“Tsaka magmula ng mag-date kami, naging kami na. hindi na kami nagkahiwalay.”
Kahit pa nga ba umano, hindi pa sila lubos magkakilala at ilang araw pa lang ng sila ay magsimulang mag-date ay hindi na pinakawalan pa ni Trevor ang aktres.
Kinikilig nga na ikiwento ni Rufa Mae, ang naging pagkakakilala nila ng asawa.
“Todo talaga! Sobrang galing nga ng destiny”, saad ni Rufa.
Matatandaan na February 5, 2016 ng ianunsyo ni Rufa Mae na engaged na sila ni Trevor. At ang engagement nga at celebratory dinner,ay naganap sa san Francisco kung saan kasama ang ilang malalapit na kapamilya at kaibigan nila ng fiancé.
Ang masayang pangyayaring ito sa buhay ni Rufa, ay ibinahagi niya sa kanyang Instagram account.
Siyam na buwan nga makalipas ang ginanap na engagement, ay ikinasal na ang dalawa. Sila ay ikinasal sa isang civil at Christian wedding ceremony, noong November 25, 2016 sa The Blue Leaf Cosmopolitan sa Libis, Quezon City.
Tatlong buwan matapos ang kasalang Trevor at Rufa, ay ipinanganak ng aktres ang kanilang unang anak ni Trevor na si baby Athena Alexandria, na isinilang noong February 17, 2017.
Buhay Kasama ang Kanyang Asawa
Ibinahagi rin ni Ruffa na ng dahil sa nalockdown siya sa Amerika, ay mas nakasama niya ng matagal ang kanyang asawa at dito na nga mas lalo pa nilang nakikilala ang isa’t isa kung saan ay mas nasusubukan nila kung paano i-hahandle ang mga bagay, lalo na pagdating sa ilang pagkakaiba nila ng ugali.
Nasa apat na taon na ring kasal ang mag-asawang Ruffa Mae at Trevor, pero “never ending” daw ang nadidiskubre nila sa isa’t isa.
Kwento pa ni Ruffa, ay pasensyoso ang kanyang asawang si Trevor. At dahil likas na masiyahin at komedyante si Ruffa, ay mas naging madali raw nilang nalalampasan kapag nagkakaroon sila ng kaunting hindi pagkakaunawaan na mag-asawa.
Kahit pa nga may malaking agwat din ang dalawa sa kanilang edad, dahil sa Trevor ay 34 at si Ruffa naman ay 42, ay hindi naman ito naging hadlang sa kanilang dalawa.
Para rin sa aktres, ay simple lamang ang kanyang kaligayan, lalo na sa buhay nilang mag-asawa. At ito ah ang manatiling masaya ang kanilang buhay mag-asawa at manatiling loyal ito sa kanya.
“Hindi naman ako kailangan i-please. Huwag ka lang lolokohin.”, saad ni Ruffa.
May tiwala rin umano ang kanyang asawang si Trevor sa kanya, at ang ipinagpapasalamat pa niya ay hindi ito seloso.
Laging Una ang Pamilya
Naging bukas rin si Rufa, sa pagsasabi na talagang nagsakripisyo silang mag-asawa sa LDR noon, dahil sa todo ang ginagawa nilang paghahanap-buhay upang paghandaan at mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang anak na si Athena.
Para naman sa aktres, ay naging maganda rin ang pananatili muna niya sa Amerika, dahil sa lockdown dahil sa masmatagal ang naging pagsasama nilang buong pamilya, at mas nagkaroon sila ng maraming oras na makapagbonding.
Ilan sa masasayang pangyayari habang naka-lockdown sa Amerika si Rufa, ay ang masaya at sama-sama nilang naipagdiwang ang ika-3 kaarawan ng anak na si Athena noong February 17, at ang kanyang ika-42 kaarawan naman noong May 28.
Kwento rin ni ng komedyante, bago pa nagkaroon ng lockdown ay panay rin ang naging pagpasyal nilang mag-anak sa iba’t ibang magagandang lugar sa California.
Sa ngayon, ay ibinahagi ni Rufa na balik lockdown ang lugar nila sa San Mateo Country.
Kung noong una raw ay medjo nahirapan si Rufa, ngayon ay tila naka-adjust na rin ang aktres sa buhay-Amerika. Bumalik na umano ang kanyang sigla at hindi na “broken-hearted”, kahit pa tigil trabaho muna siya ngayon.
Upang magkaroon ng libangan habang lockdown sa kanilang lugar sa Amerika, ay pinagka-abalahan ni Rufa ang pag-update sa kanyang Youtube vlogs, at binuksan na rin niyang muli ang kanyang direct-selling business via@rufamaecloset Instagram.
Ngunit ang pinaka-importante ngayon kay Rufa, ay ang mas mabigyan ng oras ang kanyang pamilya at masigurado na sa kabila ng pangamba nating lahat dahil sa pandemic ay mananatiling masaya at positibo lamang ang kanilang buhay pamilya.