Mamangha sa Bago at Napakalaking Bahay ni Derek Ramsay, Mala-Resort Na, May Elevator Pa!

“Resort feel but at the same time very homey”, eto ang naging paglalarawan ng aktor at Kapuso hunk Derek Ramsay sa kanyang bagong gawang bahay.

Nito lamang nakaraan, ay nakapanayam ni Unang Hirit host Susie Abrera sa Kapuso morning show na Unang Hirit ang isa sa pinakagwapong aktor sa industriya ng showbiz na si Derek Ramsay.
Sa naging panayam na ito, ay ipinasilip ng Kapuso hunk-actor, ang ilang parte ng kanyang bagong gawang bahay, na kung saan ito ay napakalaki dahil sa mayroon itong apat na palapag. Tulad din ng ibang mga bahay ngayon, mayroon ding modernong disenyo at arkitektura ang bahay na ito ng aktor.

Pagpasok pa lamang ng malaking bahay ni Derek, ay mapapansin na agad ang aliwalas at lawak ng buong kabahayan. Kapag tiningnan mo naman ang ceilings ng nasabing bahay, ay talaga namang malulula ka sa taas nito.

Makikita naman sa loob ng bahay ng aktor, na ito ay napakaraming mga obra na gawa ng mga local artist sa Pilipinas. Mapapansin rin na halos panay glass window ito, kaya naman mula sa loob ng bahay ay matatanaw ang ipinagawang lap pool ng aktor sa may labas ng kanyang bahay.

Nang tanuning naman ang aktor, kung ilan ang silid sa kanyang bagaong bahay, ay sinabi nito na mayroon itong anim na silid at ang isang silid nga ay nasa unang palapag ng bahay, kung saan ayon kay Derek ay nakalaan ito para sa kanyang mga magulang.

Ang mga magulang ni Derek ay pareho na ring matatanda na, at kasalukuyang naninirahan sa Tagaytay.
Dagdag pa ng aktor, mas inuna niyang ipatapos ang magiging silid ng kanyang mga magulang, upang pumayag na ang mga ito na tumira sa kanya. Dahil din sa tumatanda na ito, para kay Derek ay mas mainam kung nasa poder niya na ang mga magulang, para anuman ang mangyari ay nasa malapit lang siya.

“My dad’s 77, and I want them to be with me na, just in case. It might happen, and I’m very near. Yung kwarto ko, hindi pa tapos. Wala pa akong kama, wala pa akong anything. Sila, meron na!” kwento nga ni Derek.

Ng ipakita nga ni Derek ang magiging silid ng kanyang mga magulang, ay masasabi nga naman natin na talagang binigyan niya ng priyoridad na mapaganda at maging ka-relaks relaks ito para sa kanyang mga magulang. Ang nasabing silid ay talaga namang napakalawak, may malapad at kumportableng higaan at ayon pa sa aktor, ito ang isa sa bahagi ng kanyang bahay na may pinakamagandang tanawin sa labas.

“Yes, it’s really big and they have the best view in the house,” saad ni Derek

Ibinahagi rin ni Derek, na ang kanyang bagong bahay ay mayroong sariling elevator, ito ay dahil apat na palapag ang bahay at matatanda na ang kanyang mga magulang, kung saan ay hindi na kakayanin ng mga ito ang mahabang pag-akyat panaog sa hagdan.

Pagdating naman sa ikalawang palapag ng bahay, ay makikita na narito ang mga gym equipment ng aktor. Hindi naman kataka-taka na magkaroon ng sariling gym si Derek, sa ganda ng pangangatawan nito ay makikitang alagang-alaga niya sa pag-eehersisyo ang kanyang katawan.

Ayon pa sa aktor, maliban sa kanyang gym, ay ginagawa rin niyang ehersisyo ang paglangoy sa kanyang lap pool.
Ipinasilip rin ni Derek ang dining area ng kanyang tahanan, kung saan ay napakaluwang rin nito at napakamoderno ng disenyo at mga kagamitan na makikita rito. Mayroon ding “den” sa bahay na ito ng aktor, kung saan ayon kay Derek ay maaari itong tambayan ng mga bisita, dahil sa mayroon itong entertainment set.

Samantala, bago matapos ang pagpapasilip ni Derek ng kanyang bahay, ay may ilang katanungan naman si host Susie sa aktor at isa na dito ay kung sa naging pagpapalano ba ng aktor sa kanyang ipinagawang bahay, ay kasama ba sa plano nito ang para sa future nila ng nobya niyang si Kapuso actress Andrea Torre?

Derekta namang sinagot ni Derek ang katanungang ito, at inamin na isa si Andrea, sa pinaka-rason kung bakit siya nagpursige na maipatayo ang kanyang napakalaki at napakagandang bahay.

“Most definitely…. That’s why I work so hard to get this place done. She was a big part of it.” Ang naging pag-amin nga ng aktor.

Kwento din ni Derek, sa relasyon nila ni Andrea ay walang selosan na nangyayari, dahil ayon sa aktor, kumbaga nasa stage na talaga sila ng maturity. Ibinahagi rin nito na alam ng nobya ang passcode ng kanyang cellphone, kung saan ayos lang ito sa kanya, dahil wala siyang tinatago sa nobya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *