Maligayang Kaarawan: Michael James, Na Anak ni James Yap, 4-Taong Gulang Na!

Bilang mga magulang ay kasiyahan natin na makita ang ating mga anak na masaya, lalo na pagdating ng kanilang kaarawan. Kaya naman marami sa atin ang gumagawa ng paraan, kahit pa hirap ang buhay, mairaos lamang ang kaarawan ng ating mga anak at makita lamang na sila’y masaya sa espesyal na araw sa kanilang buhay.

Batid natin na ngayong pandemic ay napurnada ang ilan sa mga okasyon na pinaghahandaan ng marami sa atin. Tulad ng ilang mga malalaki at mahahalagang selebrasyon na kaarawan, kasalan o pyesta.

Ngunit para sa magkarelasyon na James Yap at Michela Cazzola, may pandemic man o wala ay sinigurado nila na masaya nilang maipagdiriwang ang kaarawan ng kanilang anak na si Michael James.

Masayang ipinagdiwang nina James Yap at karelasyon nito ngayon na si Michela Cazzola, ang ika-4 na kaarawan ng kanilang una at nag-iisa lamang na anak na si Michael James.
Nito ngang nakaraang ika-8 ng Agosto, araw ng Sabado ay ipinagdiwang ni James Michael ang araw ng kanyang kapanganakan o kaarawan. At ang selebrasyon nga ay naganap sa bansang Italya, kung saan naroroon ang mag-anak ngayon.

Sa kanilang Instagram account ay masayang ibinahagi nina James at Michela ang kanilang pagbati para sa kanilang minamahal na anak.
“Happy Birthday to my bugoy! I love you very much”, ang naging pagbati ni James para sa anak.

Samantala, sa Instagram naman ni Michela ay nagbahagi ito ng larawan ng kanayng “little prince”, kung saan ay makikitang may katabi itong napakasarap na cake at kasama rin nito sa larawan ang kapatid nito na si Franchesca.

Matatandaan na ang pamilya nina James at Michela ay lumipad pabalik sa bansang Italya kahit pa ng aba may pandemic na lumalaganap, noong buwan ng Mayo taon ng kasalukuyan.

Maliban sa dalawang anak ni James Yap sa karelasyon niya ngayon na si Michela Cazolla, ay batid rin ng marami sa atin na may isang anak ang basketbolista sa dati nitong asawang si Kris Aquino, at ito nga ay si Bimby.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *