“‘Magpakasal na lang tayo sa heaven’: Girlfriend ni Emman Nimedez, Hindi Halos Matanggap ang Pagkawala ng Nobyo; May Nakakaantig na Post para sa Yumaong Vlogger

Marami ang nagluksa at dumanas ng pighati sa pagpanaw ng vlogger at video creator na si Emman Nimedez na tinaguriang “Pambansang Oppa”. Araw ng Linggo, ika-16 ng Agosto taong kasalukuyan nang mapabalita ang pagpanaw ni Emman dahil sa sakit na acute myeloid leukemia. Bagama’t ilang buwan rin siyang nakipaglaban sa sakit, ay hindi niya ito napagtagumpayan. Maraming mga tagahanga at mahal sa buhay ni Emman ang nalungkot at halos hindi matanggap ang pagpanaw nito.




Isa na nga rito ang kasintahan ni Emman sa loob ng apat na taon na si Peachy Santos. Sa loob ng apat na taon nilang relasyon bilang magkasintahan ay punong-puno ng pagmamahalan ang kanilang pagsasama. Kaya naman, nang mawalay sa kasintahan dahil sa pagpanaw nito sa malubhang karamdaman, ay halos hindi parin makapaniwala si Peachy na ang taong mahal na mahal niya at naging sandigan niya, ngayon ay wala na sa tabi niya.
Matapos nga ang isang araw ng pagkawala ni Emman, ay nagpost si Peachy ng nakakaantig na mensahe para kay Emman. Isang post na naglalaman ng kanilang masayang love story na punong-puno ng pagmamahal at pangakong hindi nila bibitawan hanggang sa huli.

Photo credits: Emman | Instagram 

Panimula nga ng post ni Peachy “Paunti unti nagsisink in na sa akin. Paunti unti kinakain na ako ng kalungkutan”.
Nagpasalamat naman si Peachy sa apat na taong pinagsamahan nila na purong pagmamahala lang ang kanyang naramdaman mula sa nobyo. Kasama na nga rito ang pangako nila sa isa’t isa na walang iwanan. At higit sa lahat, si Emman lang ang natatangi at nag-iisang greastest love ni Peachy.

Matatandaan naman na si Emman ang dahilan kung bakit tinawag na “peachytwice” si Peachy. At isa rin ito sa ipinagpasalamat ni Peachy sa nobyo, na ginawan siya ng pangalan na tatatak sa publiko. Maliban dito, ay malaki rin ang pasasalamat ni Peachy dahil sa loob ng apat na taon nilang relasyon ay naging mas mabuting tao siya at maraming natutunan sa piling ng nobyo.

At sa pagkawala nga ni Emman, ay marami umanong mamimiss si Peachy dahil nga sa madalas nilang pagsasama. Isa na nga rito ang paglalambing ng nobyo sa kanya.

Photo credits: Emman | Instagram

Ibinahagi rin ni Peachy gaano kasakit at kahirap ang mawalay sa piling ng nobyo dahil nga nasanay na siyang palaging nasa tabi niya si Emman. Kaya naman, ngayong wala na ito, ang tanging hangad ni Peachy ay gabayan siya ng nobyo sa lahat ng bagay. Naniniwala naman si Peachy na darating ang tamang panahon na makakabangon siyang muli sa kalungkutan na dulot ng pagkawala ni Emman. At sa nadaramang pighati ay nais ibalik ni Peachy ang dati, kung maaari ay kunin niya ang lahat ng sakit na nararamdaman nito.




Ibinahagi rin ni Peachy kung paano nabago ni Emman ang buhay niya.

“Nagbago tingin ko sa mundo simula nung nanjan ka, pinakita mo sakin kung gano kaganda mabuhay. Tinuruan mo puso ko magmahal ng tunay at walang pagaalinlangan. Binigyan mo ko ng bagong mga kaibigan at bagong pananaw sa mundo.”

Photo credits: Emman | Instagram

Dahil nga sa labis na pagmamahal sa pumanaw na nobyo, naniniwala pa rin si Peachy na muli silang magkikita at magkakasama. Humiling rin si Peachy na sana ay dalawin siya nito kahit sa panaginip upang mayakap at mahagkan.

“Sobrang gulo netong mga sinasabe ko ngayon dahil lahat to tinytype nalan ng kamay ko at ng puso ko. Hindi pa to ang huling pag kikita natin. sa kabilang buhay hahanapin kita agad at yayakapin. Please lang pumunta ka naman sa panaginip ko kahit isang yakap at halik lang at sabihin mo sakin na ‘kaya mo yan’ magiging sobrang saya ko na.”

Sa huli, ay umaasa si Peachy na makakayanan niya ang pagsubok na kinakaharap at makakabangon pagdating ng tamang panahon. Hindi napigilan ni Peachy ang mag-iwan ng isang pangako para kay Emman, ang magpakasal sila ng vlogger sa kalangitan.

“Kakayanin ko at babangon ko sa tamang panahon. mahal na mahal kita baba… dito ka lang sa tabi ko ha. Maraming salamat mahal ko.. Magpakasal nalang tayo sa heaven para si Lord pa magkakasal sa ‘tin.”