Kilalanin Si Diana Lyn Domagoso, Ang Maganda at Malambing na Asawa ni Yorme Isko Moreno

Isa sa mga pinakanirerespeto at hinahangaang alkalde ngayon ng ating bansa, ay si Manila City Mayor Isko “Yorme”Moreno.

Hindi na kataka-taka sa atin kung bakit siya’y nirerespeto at hinahangaan ng marami, ito ay dahil sa maikling panahon simula ng siya ay manungkulan bilang alkalde ng siyudad ng Maynila ay marami na ang nagawa niyang pagbabago rito at isa na nga sa mga ito, ang ginawa niyang pagsasa-ayos ng Divisoria.

Batid rin natin na talagang sa kanyang maganda para sa Lungsod ng Maynila, ay talaga namang nakuha niya ang respeto at pagmamahal ng mga manilenio.

Sa naging pagkakaroon ng pandemic COVId-19, ay muling napatunayan ng mga taga-Maynila, kung gaano kabuti at matulungin ng kanilang naihalal na Alkalde, dahil makikita sa bawat gawa nito na hindi niya hinahayaan na magutom ang maraming manilenio sa kabila ng krisis na kinakaharap ng bansa dahil sa pandemic.

Ilan pa nga sa talagang hahangaan sa butihing alkalde ay ang lagi nitong pag-update ng impormasyon sa kanyang nasasakupan, lalo na patungkol sa pandemic COVID-19.
Masasabi nga natin na napaka-workaholic na alkalde ni Yorme, kaya naman marami sa kanyang mga taga-suporta ang nagtatanong kung mayroon pa bang oras ito para sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang asawa?

Ayon sa ilang artikulo, isang butihin at matulungin ang asawa ni Yorme, na kahit pa napaka-abala ng alkalde na gampanan ang kanyang tungkulin ay todo suporta sa kanya ang mapagmahal niyang asawa.

Si Diana Lyn Ditan, ang orinaryong may-bahay ni Yome Isko Moreno, siya ang First Lady ngayon ng Lungsod ng Maynila, ngunit sa kabila nito ay hindi siya madalas nakikita ng publiko. Ngunit kahit pa nga ba, hindi madalas ma-expose sa public ang may-bahay ni Yorme, ay makikta rito kung gaano nito sinusuportahan ang asawa sa lahat ng gawain nito.

Proud din ang ating hinahangaang alkalde sa pagkakaroon ng isang malambing at butihing asawa. Sa katunayan sa social media account ni Yorme, ay nagbahagi siya ng isang video kung gaano kabait at ka-supportive ang kanyang asawa.

Sa isang Facebook live na ibinahagi ni Yorme, ay makikita ang kanyang asawang si Diana na abala sa ginagawa nitong mga gawain. Maririnig nga na tinawag ni Yorme ang kanyang asawa, at sinabihan niya itong mag-“hi” sa camera, kung saan ay ginawa naman ito ng asawa ng alkalde na sinabayan pa ng pahalik sa pisngi ni Yorme.

Ikinasal si Isko Moreno sa asawa nitong si Diana Lyn Ditan, noong taong 2000, sila rin ay biniyayaan na ng limang mga anak.

Wala na nga sigurong mahihiling pa sa kanyang buhay si Mayor Isko “Yorme” Moreno, dahil halos lahat ng pinapangarap ng marami ay nasa kanya na. Maganda at butihing asawa, mga mapagmahal na mga anak at magandang career, yan nga ang mga biyayang nasa buhay na ng butihing alkalde ng Maynila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *