Kilalanin: Mga Nag-Gagwapuhang mga Aktor sa Showbiz, At ang Kanilang Mga Gwapong Anak

Ilan sa ating mga iniidolo at hinahangaang mga gwapong aktor sa industriya ng showbiz ay talaga namang may mga angking kagwapuhan at karismang taglay, kaya naman hindi kataka-taka na maging ang kanilang mga anak ay minana ito mula sa kanila.

Narito nga ang ilan sa mga gwapong aktor sa showbiz,at ang kanilang mga anak na lalaki na namana mula sa kanila ang kanilang kapogian, at may posibilidad na sumunod sa kanilang mga yapak.

Dingdong Dantes at Baby Ziggy

Makikita nga sa larawan ng mag-amang Dingdong at Baby Ziggy, na sa murang edad ng anak na ito ng aktor ay talaga namang taglay na nito ang kagwapuhan na naman niya sa kanyang ama.

Cesar Montano at Diego Loyzaga

Anak ni Cesar Montano ang gwapong aktor na si Diego Loyzaga kay Teresa Loyzaga. Tulad ng kanyang ama, ay pinasok rin ni Diego ang pag-aartista, ngunit ngayon ay mapapansin na hindi ito aktibo sa showbiz, dahil sa may kinakaharap umano itong problema.

Vic at Oyo Sotto


Si Oyo Sotto ay anak ni Vic Sotto sa aktres na si Dina Bonevie, hindi nga lamang ang kapogian ng kanyang ama ang namana ni Oyo kay Vic kundi maging ang galing nito sa pag-arte.

Aga at Andres Muhlach


Hindi naman maikakaila na tulad ni Aga, ay napakagwapo rin ng kanyang anak na si Andres. Si Andres ay isa sa mga anak na kambal ng mag-asawang Aga at Charlene.

Zoren at Mavy Legaspi

Tulad ng amang si Zoren, ay napaka-gwapo rin ni Mavy Legaspi. Si Mavy ay isa sa mga anak na kambal nina Zoren at Carmina. Marami naman ang nagsasabi na mas nahahawig ang binata sa kanyang ina.

Rommel at Daniel Padilla

Kitang-kita sa tindig at kilos pa lamang ni matinee idol Daniel Padilla, na ito ay mula sa lahi ng mga Padilla. Makikita rin sa larawan ng mag-ama ang pagkakahawig nilang dalawa.

Piolo at Iṅigo Pascual


Sa kapogian at talentong kanilang tinataglay, ay walang kaduda-duda na talagang mag-ama ang dalawa.

Jomari at Andre Yllana

Ang gwapong anak naman ni Jomari Yllana sa aktres na si Aiko Mellendres ay talaga namang napaka-gwapo, at tulad ng kanyang mga magulang ay pinasok na rin nito ang mundo ng showbiz.

Drew Arellano at Primo


Tulad ng kanyang ama na si Drew, nakikita kay Primo na tila namana nito sa ama ang pagiging adventurous at explorer nito.

Benjie at Kobe Paras


Ang pagiging isang magaling na basketbolista ni Benjie, ay namana naman ng kanyang anak na si Kobe. Si kobe ay isang rising star nng Philippine Basketball, at maliban dito ay isa rin itong modelo.

Boom at Tony Labrusca

Si Boom ay isa sa mga sikat na aktor noong 90’s, at tila namana naman ng kanyang anak na si Tony Labrusca ang kanyang galing sa pag-arte dahil isa na rin ang binata sa mga hindi mapigil ang kasikatan ngayon sa showbiz.

Sila nga ay ilan lamang sa mga mag-ama sa showbiz na talaga namang may mga pagkakahalintuad at pagkakahawig sa isa’t isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *