Kilalanin ang Napakagwapong Boyfriend ni Ruffa Gutierrez na Isang French-Israeli

Ang aktres na si Ruffa Gutierrez ay kilala sa kanyang mahusay na pagganap sa mga pelikula at teleseryeng mapapanood sa telebisyon. Kahanga-hanga nga ang talento ng aktres, dahil ang kanyang karera ay patuloy na namamayagpag hanggang sa kasalukuyan. Ngunit, sa kabila ng matagumpay na karera ni Ruffa ay naranasan niyang mabigo at masaktan sa pag-ibig.


Hindi naman ito naging hadlang kay Ruffa upang magpatuloy sa buhay. At matapos nga ang tatlong taong pagiging single, pagkatapos maranasan ang kabiguan, ay muling tumibok ang kanyang puso sa katauhan ng non-showbiz French-Israeli boyfriend niya ngayong si Jordan Mouyal na isang IT engineer at nagmamay-ari ng isang IT company.

At ngayon nga ay halos anim na taon na silang magkasintahan na talaga namang napakatatag ng kanilang relasyon at mahal na mahal ang isa’t isa. Samantala, unang nasilayan si Jordan noong 2014, matapos dumalo sa pagdiriwang ng 40th birthday ni Ruffa na dinaluhan rin ng malalapit na kaibigan at pamilya ng aktres. Dito nga nakapanayam ng The Buzz si Ruffa, kung saan ay naispatan ang pagiging malapit nila ng kanyang nobyo.

At ayon kay Ruffa, ay pribadong tao umano si Jordan at masayang-masaya sila sa kanilang relasyon. Samantala, nakapanayam rin ang mga anak ni Ruffa kung anong masasabi nila sa bagong boyfriend ng kanilang ina. Ayon naman sa mga ito, ay kung masaya naman ang kanilang Mommy Ruffa ay masaya na rin sila. At ang tanging hangad ng mga ito ay lumigaya ang ina at wag ng masaktan pang muli.

Samantala, sa programa namang Magandang Buhay, ikwinento naman ni Ruffa ang kanilang love story ni Jordan at kung paano ang relasyon nito sa kanyang inang si Annabelle Rama. Ayon nga kay Ruffa, ang puso ay hindi natuturuan kung kailan ito titibok. At ang pagdating nga ni Jordan sa buhay niya ay hindi inaasahan.


Nagsimula nga ang pag-iibigan nina Ruffa at Jordan matapos magkakilala sa isang get-together kasama ang kanyang mga kaibigan. At doon na nga nagsimula ang kanilang madalas na pag-uusap hanggang sa tanungin na nga siya ni Jordan kung pwede ba siyang maging girlfriend nito, sa kabila ng pag-aakala ni Jordan na sila na dahil limang buwan na silang nag-uusap.

Sa kabila naman ng pagkakaiba ng kanilang kultura at malaking agwat ng kanilang edad, ay hindi ito naging hadlang upang maging masaya sila sa kanilang relasyon. At talaga namang nagkakasundo sila at maging ang ina niyang si Anabelle Rama ay nakasundo rin nito. Hindi nga gaya ng ibang lalaki na takot sa kanyang ina, ibang-iba raw si Jordan dahil nakikinig ito sa kanyang ina at tila naiintindihan ang nais ipabatid nito.

Proud namang ibinahagi ni Ruffa sa TWBA, kung anong klaseng boyfriend si Jordan. At hindi nga nag-alinlangan pa si Ruffa na sabihin na si Jordan ay lalaking-lalaki na may malaking respeto sa kanyang ina.

“A man.”
“Lalaking-lalaki. ‘Yong ‘di masyadong madaldal, ‘di mahilig sa spotlight, marunong rumespeto kahit tinatarayan na ng nanay ko. Quiet lang siya. ‘Yong iba kasi sumasagot, ang dami pang tinatanong, siya hindi. That’s why, sabi ko, “Aba, okay ‘tong guy na ‘to kasi a lot of people, especially the showbiz artistas, would run away, right? Siyempre, ‘pag mommy ko na nagpa-interview, aba, lahat sila takot, tumatakbo. Ito, wala siyang paki. Not in the sense na wala siyang respeto, but in the sense na he understands.”

Magandang Buhay: Ruffa talks about her boyfriend

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *