Joseph Marco, Sobra ang Pagka-Inlove sa Kanyang Napakagandang Russian Girlfriend: Kissing Photos Nila, Ibinahagi ng Aktor

Si Joseph Marco ay isa sa mga Kapamilya actor na talaga namang hinahangaan at pinapantasya ng marami. Batid natin na noon ay si Miss Earth Philippines 2018 Celesti Cortesi ang karelasyon ng aktor. Si Celesti Cortesi ay isang modelo na may lahing Pinoy at Italian.


Noon ngang Marso, ay si Celesti Cortesi pa ang karelasyon ni Kapamilya actor Joseph Marco, ngunit ngayon ay nagulat ang lahat ng magbahagi ang aktor sa kanyang social media account ng panibagong babae sa buhay niya, na siyang karelasyon niya ngayon.

Mapapansin rin sa Instagram feed ng aktor, na burado na ang mga larawan nila ni Celeste, at maging sa Instagram ng beauty queen ay wala na ring bakas ng anumang relasyon nila ng aktor noon.

Photo credits: Joseph Marco | Instagram

Samantala, ngayon nga ay tila natagpuan na muli ng aktor ang panibago niyang pag-ibig. At ito nga ay sa katauhan ng isang Russian model na kinilala bilang si Dasha Romanova.

Photo credits: Joseph Marco | Instagram     

Nito lamang nga August 6, ipinakilala ni Joseph Marco si Dasha, kung saan ayon sa aktor ang Russian girlfriend niya ay ang “missing piece” niya sa kanyang buhay.

Base naman sa mga larawan na ibinahagi ng Kapamilya actor sa kanyang Instagram, ay makikita na tila sobra ang pagka-inlove nito ngayon sa kanyang girlfriend dahil talaga namang napakatamis ng ngiti ni Joseph sa bawat larawan kung saan ay kasama niya si Dasha.
Mayroon pa ngang isang larawan ang magkasintahan, kung saan silang dalawa ay nasa loob ng sasakyan at makikitang masuyong hinahalikan ni Joseph Marco si Dasha.

Photo credits: Joseph Marco | Instagram

Marami pa ngang mga larawan ang magkasintahan na talaga namang kakikiligan dahil sa makikita rito ang sweetness nila sa isa’t isa. Tulad na lamang ng mga larawan nila kung saan ay nagsusubuan sila ng ice cream at ang isang larawan nila na kuha habang sila ay nakaupo sa batuhan, habang nakayap si Joseph Marco kay Dasha na may napakagandang background view na city light.

Photo credits: Joseph Marco | Instagram

Sa kanyang Instagram post rin ay ibinahagi ni Joseph Marco, kung nong klaseng kaligayahan ang nararamadman niya ngayon sa piling ng nobya niyang si Dasha. At gusto rin umano ng aktor na laging nasa tabi niya ang kasintahan.

“At times I would find myself crying with happiness.”


“The moment you walked into my life I found a side of me I never knew I had. A side that would sacrifice everything for your happiness.
“I never felt so safe and secured like this.”

Photo credits: Joseph Marco | Instagram

Nagpasalamat rin ang aktor kay Dasha sa pagmamahal na ipinaparamdam nito sa kanya at sa pag-tanggap sa kanya upang maging kasinatahan nito.

Dahil sa hilig din ng aktor ang magluto at magbake ng masasarap na makakain, ay tila ito ang isa sa mga ginamit niya upang makuha ang loob ng dalaga at mapa-ibig ito sa kanya.

Noon ngang July 31, ay hinandaan ni Joseph ng isang masarap na almusal ang nobya, kung saan ay pareho nila itong ibinahagi sa kani-kanilang Instagram account.

Photo credits: Joseph Marco | Instagram

Sa Instagram account ni Dasha, ay makikitang ibinahagi nito ang pagkain na inihanda ng nobyo para sa kanya, ito ay oats na may mga prutas, kung saan ay nilakipan niya ng caption na:

“beautiful breakfast for me by amazing person.”

Samantala, sa Instagram naman ni Joseph Marco, ay halos kaparehong larawan rin ang kanyang ibinahagi na nilagyan naman ng aktor na caption na:

“I’ll make you breakfast every day.”

Photo credits: Joseph Marco | Instagram

Noon ngang Miyerkules, August 5, ng unang ibahagi ni Joseph Marco ang isang glass frame kung saan nakalakip ang mga memorable moments nilang dalawa ng nobya, kung saan ay ilan nga sa mga ito ay magkayakap at naghahalikan silang dalawa.
Sa post niya ngang ito ay sinabi ng aktor, na si Dasha na nga ang taong kanyang hinihintay.

“You are the one I’ve waited for”, ang naging saad ng aktor sa kanyang caption kalakip ang mga larawan nila ni Dasha.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *