John Regala at Dati nitong Asawang si Aurina Hunt, Naging Emosyunal ang Pag-uusap sa Programang Raffy Rulfo in Action

Tunay nga na ang buhay sa industriya ng showbiz ay hindi pang habang buhay dahil ang tinatamasang tagumpay at kasikatan ay may hangganan rin. Isa ngang leksyon sa buhay ang natutunan ng dating aktor na si John Regala dahil sa matinding pagsubok na kinakaharap ngayon.

Usap-usapan nga ngayon sa social media at laman rin ng balita ang kalunos-lunos na kalagayan ng dating aktor na si John Regala matapos mag-viral ang larawan na inupload ng isang netizen. Makikita nga sa larawan na malaki ang ibinagsak ng katawan nito. Kaya naman, agad na napukaw ang atensyon ng publiko matapos masilayan ang kalagayan ng dating aktor.




Matatandaan naman na humingi ng tulong ang dating aktor sa programang Raffy Tulfo in Action upang maibsan ang kanyang suliranin at magkaroon ng perang pampagamot. Hindi naman nabigo si John dahil agad itong tinulungan ni Idol Raffy kung saan ay nangakong bibigyan ang dating aktor ng perang nagkakahalaga ng isang daang libong piso bilang tulong pinansyal at medical assistance.

At matapos nga nito, ay bumuhos ang mga taong may mabubuting kalooban na nagpaabot rin ng tulong kay John Regala. Ilan nga sa mga ito ay mga dating katrabaho at kaibigan ni John sa showbiz.

Samantala, ang programang Raffy Tulfo in Action rin ang naging tulay ni John upang muling makausap ang kanyang pamilya. At sa 2nd episode nga, ay nanawagan ang aktor sa kanyang mga ampon na noon ay inalagaan niya. Naging emosyunal nga ang dating aktor dahil ngayon nga ay hindi man lang siya madalaw ng mga ito. Kaya naman, naiyak si John matapos humiling na sana ay dalawin siya ng kanyang mga ampon.

Mas lalo namang nagdulot ng kabigatan sa nararanasan ng aktor ang pag-iwan sa kanya ng kanyang pangalawang asawa. Ayon nga sa aktor, ay tuluyan na siyang iniwan nito matapos mawala ang lahat ng kayamanan niya at ngayong nahaharap siya sa malubhang karamdaman.

Samantala, sa 3rd episode ng programa tungkol sa nararanasan ng dating aktor, ay nakapayam ni Idol Raffy ang unang asawa ni John Regala na si Aurina Hunt na ngayon ay kasalukuyang naninirahan sa US kasama ang bago nitong pamilya. Labis nga ang pasasalamat ni Aurina sa mga taong nagpaabot ng tulong kay John Regala.

Ayon naman kay Aurina, ay magmula taong 2018 ay tinutulungan na niya si John sa tuwing humihingi ito ng tulong sa kanya. Una nga, ay sa pamamagitan ng nagngangalang Gina na kinakasama ni John ipinapadala ang perang binibigay niya sa dating aktor. Ngunit, nang muli itong humingi ng tulong sa kanya ay sinabi nito na hiwalay na sila ni Gina kaya naman, kay Bem na lang ipinadala ang pera. Si Bem nga ang nag-aalaga ngayon sa dating aktor.




Samantala, ang pagsasama ni John Regala at Aurina ay biniyayaan ng isang anak, ito nga si John Paul Kieffer. Ngunit, hindi pa ipinapanganak ni Aurina si Kieffer ay naghiwalay na sila. Hindi naman ito naging hadlang upang madalaw at makasama ni John ang anak noong isilang ito. Katunayan nga nito, ay madalas magkasama ang mag-ama at talagang mahal na mahal ni Kieffer ang ama.

Ngunit, nang magpasya si Aurina na dalhin ang anak sa US ay hindi na ito muling nakita pa ng dating aktor. Matagal na ngang panahon ang nakalipas ay hindi pa rin nagkikita ang mag-ama. At ngayon nga, sa pamamagitan ng programang Raffy Tulfo in Action ay muling magkikita at magkakasama ang mag-ama.

Photo credits: Raffy Tulfo in Action

Ayon nga kay Aurina, ay nais na ring makita at makasama ni Kieffer ang kanyang ama. Nais ring tulungan ni Kieffer ang ama sa pamamagitan ng pagkuha ng tirahan sa US upang magkasama silang mag-ama. Maging si Aurina ay nais ring tulungan ang dating aktor na makabangong muli at makarating ng US upang magkasama ang mag-ama.

Punong-puno nga ng emosyon ang naging pag-uusap nina John Regala at Aurina, ngunit sa kabila ng mga luha ay nag-aantay naman ang isang pag-asa at magandang bukas para kay John.

Hindi man naging maganda ang takbo ng karera ng dating aktor sa showbiz, napakapalad pa rin niya sa dami ng taong handang tumulong at sumuporta sa kanya. Isa na nga rito ang dati niyang asawa at anak niyang si Kieffer.

PART 3 | JOHN REGALA AT FIRST WIFE NIYANG NASA AMERIKA, NAG-USAP!