Isang Dekana Na! Mag-asawang Mariel Rodiquez at Robin Padilla, Ipinagdiwang ang Kanilang Ika-10 Anibersaryo Bilang Mag-asawa

Ngayong buwan ng Agosto 2020 ay ipinagdiwang ng mag-asawang Mariel Rodriguez at Robin Padilla, ang kanilang ika-10 anibersaryo bilang mag-asawa, kung saan ay matamis na mensahe para sa isa’t isa ang kanilang ibinahagi sa kani-kanilang Instagram account.

Matatandaan na nagkakilala at nagsimula ang magandang pagtitinginan nina Robin at Mariel sa isa’t isa noong taong 2009, ng maging pansamantalang host si Robin sa noontime variety show noon na Wowowee, kung saan ay si Willie Revillame ang orihinal na host at co-host naman si Mariel Rodriguez.

Noong ika-19 ng Agosto taong 2010 naman ng magpakasal ang dalawa, sa kanilang dream wedding na ginanap sa historic Taj Mahal, na matatagpuan sa Agra, India.
Sa Instagram account ng aktor, ay agad itong nagbahagi ng kanyang sweet na mensahe sa asawa sa mismong araw ng kanilang ika-10 anibersaryo ng kasal.

“Maraming salaman sa aking hosting coach, camerawoman,light woman, at audiowoman @marielpadilla ang pagtutulungan ng mag-asawa sa paghahanapbuhay ay syang pagtutulungan ng pagsasama ng may kapayapaan at katahimikan. Kaawaan nawa mg nag-iisang Panginoong maylika ang mga nagsisikap at nagsasakripisyo sa gitna ng pandemic at kahirapanin shaa Allah,” ang nilalaman ng mensahe ng aktor para sa asawang si Mariel.

Nasundan pa ito, ng ilan pang post ng aktor sa kanyang Instagram account, kung saan ay halatang nais nito ipadama sa asawa kung gaano niya ito kamahal.
Isang paraphrasing song na para sa asawa pa ang ibinahagi ni Robin sa kanyang IG account, at ito ay ang “Ipagpatawad Mo”, na awitin ni Vic Sotto.

“Ipagpatawad mo minahal kita agad. Ipagpatawad mo na mula noong hanggang ngayon na 10 taon na tayo ay patuloy pa rin kitang iniibig. Ipagpatawad mo kung hihilingin ko sa Nag-iisang Panginoong maylikha ang marami pang taon sa piling mo para kita’y mahalin at ibigin pa.”

Matapos nito ay ibinahagi rin ng aktor ang isang video clip, kung saan ay makikita ang mga panahon na silang dalawa ni Mariel ay nasa India, kung saan ginanap ang kanilang kasal at shoot ng movie tum na “My Pledge of Love”.

Kalakip ng videong ito ay ang naging pasasalamat ni Robin sa pagdating ni Mariel sa buhay niya, na ayon sa aktor ito ang naging Kapitan ng barko ng buhay niya, na marahil kung wala si Mariel ay matagal na siyang naging abandoned ship.

Naibahagi rin ni Robin na sila ni Mariel ay ikinasal sa Islam Alhamdullillah, sumunod sa Born Again at Igorot, kung saan ay kulang pa umano sila ng catholic at civil rights.
Samantal, sa Instagram account naman ni Mariel ay nagbahagi rin ito ng pagbati para sa asawa.

“A decade with you, Happy Anniversary @robinpadilla 10 years🥂 and a long road a head. Mahal Kita,” ani Mariel.
Makikita sa mag-asawang Robin at Mariel, na ang kanilang pagsasama ay puno ng kaligayahan, at mas lalo pa itong naging matibay at makabuluhan ng dumating sa buhay nila ang kanilang mga anak.

Matatandaan na noong taong 2015 ay dalawang beses nakunan si Mariel, ngunit ng sumunod na taon ay masaya nilang ibinalita sa publiko na sila’y magkaka-anak na hanggang isilang na nga niya ang kanilang panganay na anak na si Maria Isabella noong 2016.
Noong nakaraang taon naman ay isinilang ni Mariel ang pangalawa nilang anak na si Gabriela. Parehong sa US ipinanganak ang dalawa, kung saan ay citizen si Mariel.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *