Marami na tayong narinig na mga kabutihang-loob na nagawa ng Fashion Icon na si Heart Evangelista,at ngayon ay muli na naman nga tayong mamangha sa taglay na kabutihan ng aktres. Ito ay dahil sa isa sa kanyang mga avid fan ang nagbahagi na sa kabila ng tingin ng marami kay Heart Evangelista na “maarte” ito ay taglay naman nito ang kabutihan ng puso na handang tumulong sa kanyang kapwa.
“Maarte lang po si Miss Heart, pero mabait siya”, ito nga ang naging paglalarawan ni Nes Almario sa kanyang idolong si Heart.
Matatandaan na nitong nakaraan lamang August 3 araw ng Lunes, bago ipinatupad muli ang MECQ ay isa si Ness sa mga choices sa “Bawal Judgemental” ng Eat Bulaga, kung saan ay ito muna ang huling live broadcast ng programa dahil sa pagkakaroon muli ng MECQ.
Ang isa sa mga naging topic sa nasabing segment na “Bawal Judgemental” ay ang mga artistang natulungan ang kanilang mga tagahanga, at isa nga si Ness a nagbahagi ng interesting stories tungkol sa naging pagtulong sa kanya ng kanyang idolong si Heart.
Ayon kay Ness ay malaki ang naitulong sa kanya ng kanyang idolo, lalo na ng mga panahong nararamdaman niya ang pagiging hopeless at helpless niya.
At upang mas maibigay pa ang buong detalye ng naging pagtulong ni Heart Evangelista kay Ness, ay inalam ng Cabinet Files ang contact number nito, hanggang sa nito ngang August 4 ay nakuha na ng mga ito ang buong detalye na kung sa papaanong paraan natulungan si Ness ng Kapuso Actress.
Sa naging kwento ni Ness, taong October 2017 umano ng magkaproblema siya sa kanyang employer sa Dubai. Hindi natapos ni Ness ang kanyang kontrata dahil sa personal na dahilan, kaya naman kinailangan niyang bayaran ang nagastos ng kanyang employer sa pagpunta niya sa Dubai.
Nabayaran naman ni Ness ang pagkaka-utang niya sa kanyang employer, ngunit ang kanyang naging problema ay kung paano siya makakabalik sa Pilipinas dahil sa wala na siyang pera na ipapamasahe sa eroplano.
AT dito na nga siya humingi ng tulong sa kanyang idolong si Heart Evangelista, kung saan ay agaran umano siya nitong tinulungan.
“Ibinigay ni Miss Heart sa akin ang kanyang credit card number, at sinabi niyang ako na lang ang magbook ng plane ticket ko”, saad ni Ness.
Sinabi rin ni Ness na dahil sa gabi pa ang kanyang flight ay hapon na siya nag-book kaya naman talagang may kamahalan ang kanyang plane ticket.
Sa Cebu Pacific siya nagpabook, at upang hindi na makadagdag sa gastusin at baka ma-icharge pa ito sa kanyang idolong si Heart ay hindi na nga siya nag-avail ng in-flight meal, kahit pa nga ba batid niya na napakahaba ng kanyang byahe na halos walong oras mula Dubai hanggang Manila.
Ibinahagi rin ni Ness kung magkano ang kanyag plane ticket na binayaran niya gamit ang credit card number na ibinigay sa kanya ni Heart.
“Mahigit Php23,000 ang plane fare pero hindi na niya pinabayaran.”
“Ang sabi niya, hindi mo ako kailangan bayaran.”
Agad rin umano siyang kinotak ni Heart ng makarating siya sa Pilipinas, at inanyayahan siya nito na pumunta sa bahay nila. Ngunit dahil shocked pa siya, dahil sa first time niyang mag-abroad ay hindi agad sila nagkita ng idolo niya.
Hindi nga lamang ang pagtulong ni Heart sa kanya na makabili ng plane ticket, pauwi sa ating bansa ang nagawa ni Heart sa kanya. Dahil kahit noong nandito na siya sa Pilipinas, ay ramdam niya ang pagigging concern nito. kinukimbinsi pa umano siya ng aktres na sa Manila nalamang maghanap ng trabaho, upang maging madalas rin ang kanilang pagkikita.
“Dito ka nalang sa Metro Manila mag-apply para atleast, madali kang makakadalaw palagi.”
“Hindi na nga niya pinabayaran ang plane ticket, siya pa ang madalas na nagchachat at concerened. Itinatanong niya kung nkahanap na daw ba ako ng trabaho.”
“Maarte lang po si Miss Heart, pero mabait siya. Hindi nap o natin mababago yon, lumaking mayaman yung tao.”
Nagsimula nga ang pag-idolo ni Ness sa Kapuso actress na si Heart Evangelista noong siya ay 16-taong gulang pa lamang, at ngayon na siya ay 32-taon na ay hindi pa rin nagbabago ang pagtingin niya sa aktres.