Ilang Mansion ng mga Pacquiao, Ibinebenta! Forbes park Mansion, Umabot sa Halagang PHP1.5 Bilyon

Isa sa mga mansyon ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao ang ngayon ay ibinebenta na, at ito ay ang kanilang napakaganda at napakalaking mansyon sa ritzy Forbes Park.

Sa Presello.com, isang kilalang real-estate na nagbebenta ng mga multi-million mansion sa Metro Manila ay makikita na kabilang na sa mga ito ang “Zen Inspired Luxury Mansion sa Forbes Park” na pagmamay-ari umano ng mag-asawang Manny at Jinkee.

Ayon nga kilalang real-estate website, ang mansion na ito ay napakaganda, dahil sa dinesyo ito na nagbibigay ng “a trophical modern feel with a touch of elegant resort-like vibe.” Ang presyo nito sa nasabing website ay nagkakahalaga ng PHP1.5 bilyon.

Makikita nga sa mga larawan na ang napakaganda at napakalawak na mansion ay nakatirik sa isang malawak na lupain,kung saan ay 2,000 sq. meter umano ang kabuuang lawak nito. Mayroon din itong apat na garahian para sa mga sasakyan. Ang kabuuan naman umano ng naturang mansion ay may lapad na 1,525 sq. meters, na talaga namang napakalaki dahil sa limang mga silid ang makikita sa loob at pito rin ang banyo nito.

Hindi naman sinabi ng nasabing website direktahan na ang may-ari nito ay ang mag-asawang Jinkee at Manny, ngunit kung pagbabasehan ang ilang mga clue na inulat nila ay tila ang mag-asawa nga ang may-ari ng nasabing mansion.

Maliban naman sa Forbes Mansion, ibinebenta na rin nina Manny at Jinkee ang kanilang two-storey house sa Hancock Park, sa Los Angeles, California, kung saan ay makikita naman ito na kabilang na sa mga nakalistang property na for sale sa website na realtor.com.

Makikita naman sa realtor.com na ang ari-arian na ito ng mag-asawa ay nagkakahalaga ng USD3,533,500 o PHP172, 116,785.

Matatandaan naman na ang two-storey house na ito sa Los Angeles, ay nabili ng mag-asawa noong March 2008, kung saan ay quasi-Spanish house ito na mayroong tatlong silid-tulugan: isang master’s bedroom at dalawang bedroom para sa mga bata. Malapad rin ang living room, dining at kitchen nito. Mayroon din itong swimming pool.

Ayon sa ilang mga ulat, ang tahanan na ito sa Los Angeles, California ay nabili ng mag-asawang Pacquiao noon sa halagang USD2.3million o halos PHP112,045,650 milyong piso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *